Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, tinawanan lang ang pa-epek ni Cesar Montano

00 Alam mo na NonieTINAWANAN lang ni Sunshine Cruz ang mga ‘pa-epek’ lately ni Cesar Montano. Sa aming pag-uusisa, sinabi niyang hindi raw siya napipikon kapag may mga hindi magandang sinasabi ang aktor laban sa kanya.

“Nope hindi ako napipikon. I’ve reached this stage in my life na natatawa na lang ako sa drama ng iba. Focus ako sa kids at sa work ko para happy na lang,” saad ni Sunshine nang makahuntahan namin sa Facebook last Sunday.

Dagdag pa niya, “At marami po akong mas importanteng dapat po isipin, rather than mag-focus sa ganyang sentiments.

“Sa ibang mga anak niya na muna siya mag-focus. Okay naman ang kids po.”

Ayon pa kay Sunshine, naguguluhan daw siya kung bakit tila nag-iingay ngayon si Cesar. “Ewan ko sa kanya. Naguguluhan na rin kami ng kids kung bakit bigla siyang nag-iingay ngayon,” komento pa ni Sunshine na idinagdag pang ayaw na sana niyang magsalita sa mga ganitong issue hanggat maaari.

May kaugnayan ang kinuha naming reaction ni Sunshine sa ipinahayag ni Cesar na ang aktres ang humahadlang sa kanilang mga anak na sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska para magkaroon ng komunikasyon sa aktor.

Ipinahayag pa ng talented na aktres na alam ng mga anak nila ang nangyayari at hindi naman daw naaapektuhan ang mga anak nila na bukod sa pawing magaganda ay matatalino pa.

“They are strong enough to handle everything. Lahat naman po alam nila at hindi po sila affected.

“Ayaw nila masira ang summer vacation nila, kaya hindi sila naka-focus sa ganyan.”

Kinilala naman ni Sunshine ang suportang ibinibigay ni Cesar at ipinayahag niyang nagpapasalamat ang tatlong bata rito para sa kanilang pag-aaral.

“They are still thankful for the educational support being given to them by their father,” wika pa ng aktres.

Sa ngayon, patuloy ang pagdating ng blessings kay Sunshine. Bukod sa top rating nilang TV series na Dolce Amore sa ABS CBN na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil, marami ring product na ine-endorse ngayon si Susnhsine. Kabilang dito ang Ever Bilena, Cathy Valencia, Cedrix Slimming and Wellness, White Glo Crave Away Toothpaste, Adajar Dental Services

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …