Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, nakalimutan na naman ang pagpapa-opera dahil sa pangangampanya

MUKHANG nabubuhos na naman ang kalooban ni Nora Aunor sa pagkakampanya. Madalas naming makita ang kanyang mga picture na may suot pang T-shirt ng kandidatong ikinakampanya niya. Mukhang dahil doon ay nakalilimutan na naman niya ang sinasabi niyang pagsisikap na makaipon ng pera para makapagpaopera na siya ng kanyang lalamunan sa US sa July.

Pero nagkakabiruan nga, baka naman walang malay si Nora na posibleng ang ikinakampanya niya ay magtuloy din ng daang matuwid, meaning hindi pa rin siya bigyan ng national artist title na ipinagkait sa kanya ni Noynoy Aquino.

Kung kami ang tatanungin, mas dapat muna sanang asikasuhin niya ay ang kanyang pagpapa-opera para magkaalaman na kung pagkatapos niyon ay makakakanta pa ba siyang kagaya ng dati o hindi na rin. Naniniwala siya sa mga finding na maaari pa naman daw mai-correct kung ano man ang nangyari sa kanya. May mga doctor namang nagsasabing imposible na, dahil hindi man nadesgrasya ang kanyang lalamunan, natural lang na iba na ang boses niya ngayong lagpas na siya ng 60.

Pero para sa kagaya ni Nora, na talagang walang ibang maaasahan kundi showbusiness para sa kanyang kabuhayan, it is worth the try. Parang sugal iyan eh. Kung maibabalik nga ang boses niya, panalo iyon. At least ang iisipin na lang niya ay kung sino naman ang producer na mamumuhunan sa CD niya, eh ngayon umuurong na ang mga producer dahil sa piracy. May mga producer ding magdududa, dahil kung ang pelikula niya ay mahina, may magkaka-interes pa nga kaya sa plaka niya?

Para siyang nagsisimula ulit niyan. Kailangan mag-guest siya sa mga TV show at patunayang kaya nga niyang kumanta. Kaso saang TV show naman siya papasok? Malaking sugal iyan pero kailangan niyang sakyan, after all iyan na lang ang last card niya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …