Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dee Girls, nakatakdang rumampa sa Solaire at Resort’s World

00 Alam mo na NonieMARAMING plano si Mr. Jimmy Dee para sa bagong grupong Dee Girls para maghatid ng world class act partikular sa island dancing, hip hop, twerking, jazz, at iba pa. Ang Dee Girls ang pinakabagong sexy at hot female group sa bansa na binubuo ng talented na sina Lea Ibañez, Nicole Nasayao, Tin Oco, Mary Rose Romualdez, Brenda Bordador, Jay Burbano, Glyza Ibañez, at Lewis Paulo.

Si Nicole bale ang tumatayong lider ngayon sa grupo na tumulong bumuo sa Dee Girls. Siya ay 19 years old at isang half Pinay-half Japanese na bata pa lang ay hilig na talaga ang pagsasayaw. Ayon pa kay Nicole, bawal sa kanila ang magka-boyfriend, lalo na raw ang mabuntis.

Paano mo ide-describe ang grupo ninyo? “Iyong group po namin ay pang-wholesome, whole show po kami kung mag-perform. May kaunting singing din at dancing, ganoon po,” saad niya.

Ang Dee Girls ay binuo ni Dee para maghatid ng kakaibang entertainment lalo na sa sayawan. Si Mr. Dee, ay isang multi-talented entertainer, businessman, motivational speaker, philanthropist, humanitarian and so much more, na nasa bansa para sa isang misyon. Mayroon siyang noble advocacy at genuine love na tulungan ang mga kabataang babae na matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay lalo na ang mga mayroong talent, beauty, passion at determinasyon.

Ang Jimmy Dee Productions ay naglalayong makatuklas at hasain ang mga talented na kabataang babae na maabot ang kanilang lugar sa mundo ng entertainment. Nagbibigay sila ng oportunidad sa mga nagnanais na makilala sa global audience simula sa Pilipinas, tapos ay sa Guam, Hawaii, Las Vegas at Asia Pacific, at kahit sa Hollywood pa, depende sa taglay nilang talento. Planong mag-show ng Dee Girls sa Solaire at Resort’s World

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …