Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, inspirasyon si James Reid sa pelikulang This Time

00 Alam mo na NonieBALIK-PELIKULA ang hottest reel at real-life loveteam ng bansa na sina James Reid at Nadine Lustre sa light, feel-good summer movie ng VIVA Films titled This Time. Aminado si Nadine na ganado siyang magtrabaho sa latest movie nila ni James na showing na sa May 4.

“Well eversince naman po, I mean, gusto ko po kasi talaga yung ginagawa ko, kasi gusto kong magtrabaho. But this time po kasi ay iba, like gaya ng sinabi ni James kanina, kapag babangon ka sa umaga, naglu-look forward ka na makikita mo siya, na magkakasama kayo,” pahayag ni Nadine.

Sinabi rin ni Nadine na selosa siya, kahit na raw walang dahilan talaga.

“Sobra pong selosa, pero wala namang reasons. May tiwala naman po ako, may assurance naman po.

“Wala pa naman pong instance na nagselos talaga ako. Wala pa po talaga. Actually, hindi na ako masyadong nagseselos ngayon, hindi tulad noon,” nakangiting esplika pa niya.

Aminado rin ang aktres na hindi siya sanay pagdating sa usapan ng PDA. “Hindi po kasi ako sanay na nagsasabi publicly, ganoon. Mahiyain din po kasi ako pagdating sa realationships. So…

“Pero kapag kaming dalawa lang naman po and friends, siyempre, nagkukuwento rin ako sa kanila, ganoon. Pero hindi pa po kasi ako sanay ng… nagpi-PDA (public display of affection), hindi pa po.”

Sobrang supportive ng JaDine followers dahil sa ngayon, sangkaterbang block screenings na ng pelikula ang naka-schedule matapos ang premiere night nito sa May 3 at regular showing sa May 4. Kaya thankful si James sa fans nila ni Nadine. “Well, I guess we have the fans to thank for that. When they say we’re number one ’coz we have a lot of projects right now, very successful TV show, everything’s going really well, it doesn’t mean we’re better. We just have amazing fans.”

Sa pelikulang This Time na pinamahalaan ni Direk Nuel Naval at mula sa screenplay ni Mel del Rosario, si James si Coby, isang lolo’s boy na mula pagkabata’y malapit na ang loob sa kaibigang si Ava (Nadine). Tuwing summer lang nagkikita ang dalawa at doon masusubukan ang tatag ng pagsasama nila na isang long distance relationship.

Makakasama ng JaDine sa This Time sina Al Tantay, Freddie Webb, Nova Villa, Ronnie Lazaro, Candy Pangilinan at ang VIVA artists na sina Yam Concepcion, Donnalyn Bartolome, Issa Pressman, at Bret Jackson.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …