Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, tinuhog ang mag-aama!

00 Alam mo na NonieBALITA namin ay nagpaka-daring nang husto si Nathalie Hart sa pelikulang Siphayo ng BG Productions International na pamamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Nang nakahuntahan namin ang isa sa executive ng BG Productions na si Dennis Evangelista, nabanggit niya na super-daring si Nathalie sa naturang pelikula. “Tatlong mag-aama ang tinuhog niya rito e, sina Luis Alandy, Joem Bascon, at Allan Paule. For matured audience talaga ang film, hindi malaswa pero okay lang na maging R-18 ang rating,” esplika sa amin ni Dennis.

Launching movie ito ni Nathalie at aminado ang aktres na masa-shock ang viewers sa gagawin niya rito. Nang nakapanayam namin si Nathalie, sinabi rin siya na pang-R-18 ang movie. “There’s gonna be nude scenes. Ang pinag-usapan namin ni Direk Joel, na there’s nudity, R-18 talaga ang movie, there’s some scenes na frontal and back. Bale, ang execution na lang ang pag-uusapan namin ni Direk, kung paano niya gagawin. Nagkaintindihan na kami, napag-usapan na namin iyon, para maging artistic talaga,” wika ng aktres.

Ayon pa sa 23 year old na aktres, ang mga ganitong project ay mahirap daw palagpasin.

“I think siguro, mahirap, it’s either kailangan yung artista na gaganap ng role na ito kailangan napaka-strong na tao or matapang.

“Kasi napakahirap nang gagawin talaga, as in biruin mo, magkakaron ako ng relasyon sa isang pamilya. Sa tatay at dalawang anak. Dalawa yung anak pero hindi ko sasabihin kung sino doon or whatever. Basta, it’s a very taboo story.”

Balita pa namin, may frontal nudity sa pelikulang Siphayo si Nathalie dahil target nito ang international filmfest, kaya sure kaming talagang magmamarka sa pelikulang ito ang aktres.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …