NANAWAGAN ngayong Martes ang TEAM KAYA THIS ng Pasig City sa Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa seryosong isyu ng hayagang pagtatanggal ng kanilang mga campaign tarpaulin at poster ng ilang indibiduwal, batay sa mga bidyong kuha ng mga testigo.
Ayon sa mga tagasuporta at volunteers ng grupo, “maraming beses nang inaalis ang aming mga materyales, maging sa mga pribadong lugar at mga itinalagang common poster areas.”
“Isa itong malinaw na paglabag sa Fair Election Act at isang insulto sa demokratikong proseso. Lahat ng kandidato at partido ay may pantay-pantay na karapatang maipakilala ang kanilang plataporma sa publiko. Kaya’t nananawagan kami sa COMELEC na agad imbestigahan ang mga insidenteng ito at panagutin ang mga may sala.”
“Hayaan nating marinig ang tinig ng taumbayan—huwag itong patahimikin o burahin!”