Thursday , September 12 2024

PH nagdiwang sa tagumpay ni Carlos Yulo  
BATANG LEVERIZA WAGI NG 2 GOLD MEDALS SA PARIS OLYMPICS 

080524 Hataw Frontpage

DALAWANG magkasunod na gabing pinatugtog ang Lupang Hinirang, ang pambansang awit ng Filipinas, nang magkasunod na nakamit ni Carlos Edriel Yulo, 24 anyos, ang dalawang medalyang ginto para sa floor exercise at vault finals, parehong kabilang sa men’s artistic gymnastics na ginanap sa Bercy Arena para sa Paris Olympics 2024.

               Kaya mula noong Sabado ng gabi, 3 Agosto, ay nagdiwang ang bansang Filipinas sa tagumpay ng isang batang lumaki sa kalyeng Leveriza sa Malate, Maynila — si Caloy.

Natamo ni Yulo ang unang ginto ng Filipinas sa men’s floor exercise finals na may puntos na 15.000 matapos pakawalan ang kaniyang three-and-a-half twist dismount cold.

Kasama ni Yulo sa podium ang Tokyo 2020 champion na si Artem Dolgopyat ng Israel sa pangalawang puwesto na may 14.966 puntos, at Jake Jarman ng Great Britain sa pangatlong puwesto na may 14.933 puntos.

Ito ang kauna-unahang medalya ng bansa sa men’s gymnastics at pangalawang ginto sa Olympics matapos makuha ni Hidilyn Diaz ang una nang manalo sa women’s 55-kg weightlifting event noong 2000 Tokyo Olympics.

Nitong Linggo ng gabi, 4 Agosto, muling sumabak si Yulo sa men’s vault finals nang nagpawala siya sa kaniyang unang vault ng Ri Ser Gwang, na may halos perpektong landing, at nagkamit ng 15.433 puntos, habang ipinakita niya sa kaniyang pangalawang vault ang kaniyang Kasamatsu double twist na ginawaran ng 14.000 puntos.

Kinuha ang average ng dalawang vaults at nakuha ni Yulo ang unang puwesto sa puntos na 15.116.

Samantala, nakamit ng Armenian na si Artur Davtyan ang ikalawang puwesto sa puntos na 14.966; at ni Harry Hepworth ng Great Britain sa puntos na 14.966.

Dahil sa ikalawang gintong nakamit ni Yulo, mula pang-32 ay umangat ang Filipinas sa ika-19 na puwesto sa medal tally ng Paris Olympics 2024.

               “‘Yung panalo ko kahapon, tinanggal lahat ang stress ko,” sabi ni Yulo.

Aniya, mas chill and relax na ang kasunod dahil nakatulong ‘yung unang panalo, at hindi na siya nag-alala kahit matalo pa.

Ayon kay Yulo, inihahanda niya ang sarili sa pagsalubong na gagawin sa kanya sa pag-uwi niya sa bansa.

Ang Panalo ni Yulo ay nagbigay sa kaniya ng bagong bahay. Bukod diyan, pinangakuan ng fully-furnished, two-bedroom condominium sa Taguig City ang mga Pinoy na makakukuha ng gintong  medalya sa Paris Olympics.

Iminarka rin ni Yulo ang unang pagkakataon na nanalo ang Filipinas ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.

Sa boxing, minalas si Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam na makapasok sa semifinals at makatiyak ng bronze medal sa men’s 57kg division matapos ang 2-3 split decision loss kay Charlie Senior ng Australia sa quarterfinal bout.

Samantala, nakasisiguro na ng bronze medal si Nesthy Petecio

Tinalo ni Petecio sa Xu Zichun ng China via unanimous decision sa quarterfinals ng women’s 57 kg ng boxing. Klaro sa first round na kontrolado ni Petecio ang laban na makikita sa kanyang mga atake at kontra-depensa upang biguin ang Chinese, na nagresulta sa halos perpektong performance.

Target ng Pinay boxer na pantayan ang kanyang her 2020 Tokyo Olympics’ showing upang makamit ang panalo laban kay Julia Szeremeta ng Poland sa kanilang semifinal bout sa Huwebes dakong 3:46 am PHT (Philippine time). (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …