SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
USAP-USAPAN ang pagtakbo ni Vice Gov Mark Leviste bilang gobernador lalo’t nagkita ito at si Batangas Gov Dodo Mandanas kamakailan.
Makikita ito sa latest post ni Vice Gov Leviste, ang pakikipagkamay kay Gov Mandanas sabay ang mga salitang, “sealed with a handshake.”
Mukhang nagkakamabutihan na sila sa mga susunod na hakbang patungong election year 2025.
Ito’y matapos ang talk of the town pa ring kasal ni Gov. Mandanas. Nakabalik na sa Pilipinas ang gobernador matapos ang kanyang Italian honeymoon kasama ang 32-anyos na batambatang ginang (si gov ay 80-anyos).
Matunog din kasi ang balitang isa si Gov Mandanas sa ikinokonsideang bagong Executive Secretary ng Marcos administration kapalit ni ES Lucas Bersamin. Balita ngang magaganap ang rigodon ngayong Hunyo kahit todo deny ang gobernardor ukol dito.
‘Ika nga ni Gov Mandanas, “you are never too old for marriage or politics.”
Sakaling matuloy ang pagtakbo ni Vice Gov. Leviste bilang susunod na gobernador ng Batangas, marami ang nagtatanong kung paano na sila ni Kris Aquino? Madalas magtungo ang vice governor sa America para dalawin ang kasalukuyang karelasyon para makapiling ito.
Marami rin ang nagtatanong kung magkakaoras pa kaya si vice gov sa tuwing kakailanganin siya ni Kris sa tabi niya na kasalukuyan pa ring nagpapagamot sa Amerika?
Abangan ang mga susunod na kaganapan.