Friday , July 26 2024
Eric Buhain Swimming

National swimming try-outs para sa SEA Age group sa Hulyo 7-9

KABUUANG 440 swimmers – 180 babae at 260 – mula sa 66 swimming clubs ang nagpatala para sumabak sa National tryouts Luzon qualifying para sa Southeast Asia Age Group Championship sa Hulyo 7-9 sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Vito Cruz, Malate, Manila.

Ayon kay event organizer coach Chito Rivera na gagamiting qualifying standard time sa lahat ng events sa naturang tryouts ang 5th place winning time sa nakalipas na SEA Age-Group tournament  na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang 2023 edition ng SEA Age Group Championship ay gaganapin sa Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.

“During our meeting, PSI Secretary General Rep. Eric Buhain suggested na yung 5th place time ang gamitin nating qualifying time standard para mas mabigyan natin ng chance ang mga bata na alam naman nating karamihan ay hindi nakapag-participate sa ganitong tryouts before,” pahayag ni Rivera.

“Yung hinahanap ng ating mga swimming leaders sa buong bansa na transparency and inclusivity ay sinigurado ni PSI president Miko Vargas na matitikman ng lahat. Kaya we’re inviting all swimming clubs regardless of affiliation na isali ang kanilang mga swimmers para makakuha ng pagkakataon na mapasama sa Philippine Team,” aniya.

Iginiit ni Rivera na ang mga swimmers na hindi pinalad na makalagoas sa qualifying standard time ay may pagkakataong pang bumawi sa nakatakdang National tryouts for Luzon at Visayas na magkasabay na isasagawa sa Hulyo 21-23 sa Ilocos Norte at Dumaguete City, ayon sa pagkakasunod, habang ang Mindanao leg ay nakatakda sa Hulyo 22-23.

“It’s an open tryouts, kung masama ang langoy, puwedeng bumawi dahil may tatlo pang try outs. Medyo magastos lang para sa swimmers na taga Manila,’ ayon kay Rivera.

Ayon kay Buhain, Olympian at Philippien Sports Hall-of Famer, na bukod sa sinimulang re-ogranisasyon sa Philippine Swimming Inc, (PSI) matapos ang matagumpay na halalan na ipinag-utos ng World Aquatics sa pakikipagtulungan ng Philippine Olympic Committee (POC) binibigyan prioridad ng bagong liderato sa pamumuno ni Miko Vargas, ang pagpapalas ng grassroots program hindi lamang sa regular swimming bagkus sa iba pang sports na nasa ilalim ng Aquatics.

“We’re not just looking after the welfare of athletes in the regular swimming, but also kasama sa ating responsibilidad ang mga atleta sa diving, water polo, artistic swimming, gayundin ang open water,” pahayag ng Kongresista mula sa 1st District ng Batangas.

Sinabi ni Buhain na target ng PSI na magtatag ng hiwa-hiwalay na regional offices para sa naturang mga sports upang mabigyan ng kaukulang pansin.

“Kailangang palakasin natin hindi lang ang swimming kundi ang diving, water polo at iba pang sports under sa aquatics. Hindi ito masyadong nabigyan ng pansin but this time kasama yan sa priority list natin,” aniya. (HATAW Sports).

About Henry Vargas

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …