Friday , June 2 2023
60 tahanan giniba tensiyon sumiklab sa Tondo, Maynila

60 tahanan giniba tensiyon sumiklab sa Tondo, Maynila

UMALMA ang mga residente sa isang lugar sa Juan Luna St., Tondo, Maynila nang dumating ang demolition team upang gibain ang 60 bahay na tahanan ng 100 pamilya, nakatirik sa 300 metro kuwadradong lupa na pag-aari umano ng Meridian Forwarders Inc., kaya’t sumiklab ang tensiyon sa  naturang lugar.

Giit ng Presidente ng Tondo Central Neighborhood Association, Inc., mga residente sa nasabing lugar, naglabas ng kautusan ang City Legal Office na  nagsasabing dapat iliban ang paggiba sa mga bahay dahil hinihintay pa ang desisyon ng Supreme Court , bagay na iginiit ng mga residente.

Napanatili ng mga tauhan ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon, binubuo ng MPD DMFB, MPD Station 7, at Manila Traffic, ang kapayapaan at walang nasaktan sa magkabilang panig.

Nabigyan ng ilang minutong pagkakataon ang mga residente na lumikas at saka naituloy ang demolisyon dahil walang naipakitang temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema ang mga naninirahan sa lugar.

Nagtungo rin sa nasabing lugar ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Housing and Urban Development na umalalay sa mga residente. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …