Friday , March 28 2025
Sipat Mat Vicencio

Nasaan ang tunay na Kadiwa?

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG tutuusin, maituturing na mga pekeng Kadiwa outlets ang makikita sa ngayon sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at  hindi maihahalintulad sa tunay at totoong mga Kadiwa na itinatag ni dating First Lady Imelda Marcos.

Masyadong ginulo at ginawang komplikado ang simpleng Kadiwa ni Imelda at kung ano-anong katawagan o pangalan ang ginagamit ng kasalukuyang administrasyon para lang masabing ang kanilang itinayong Kadiwa ay isang tunay na pamilihan ng mahihirap.

Nakalilito dahil kung hindi Kadiwa store, Kadiwa pop-up store. Meron pang Kadiwa on wheels at minsan naman Kadiwa rolling stores. Hindi pa nakontento, sumulpot din ang Kadiwa express, ang E-Kadiwa at sinundan pa ng Kadiwa retail and selling. Ano ba ‘yan?!

Simple lang ang gusto ng mga kababayan nating mahihirap – permanenteng lugar ng Kadiwa na madaling puntahan at mura ang mga bilihin!

Sa panahong maraming naghihirap at halos walang makain, ang tanging hiling ng mahihirap na mamimili ay maibalik ang tunay na Kadiwa na merong permanenteng estruktura o lokasyon na mabilis nilang mapupuntahan para makabili ng murang mga paninda o pagkain.

Tulad ng naunang Kadiwa sa España sa Sampaloc, Maynila (tapat ng Magsaysay High School) halos kompleto ang paninda tulad ng mga de latang sardinas, daing, prutas, mantika, toyo, bigas, asukal, kape, asin, isda, gulay, karne ng baboy at manok, at iba pa na pawang mga abot-kayang bilihing magagamit o makokonsumo ng kapos na pamilya.

Kung matatandaan, meron ding mga permanenteng Kadiwa sa Quiapo, sa may R. Hidalgo malapit sa paaralan ng MLQ.  Meron din sa Tondo, sa Sapang Palay, Bulacan at makikita rin ito sa Valenzuela City.

Mga tunay na Kadiwa na may pangmatagalang puwesto na talagang pinagkakaguluhan o dinudumog ng mga gipit na mamamayan dahil sa mababang presyo ng bilihin at dahil na rin sa malapit ito sa kani-kanilang mga komunidad o kabahayan.

Pero pansinin ang mga Kadiwa sa ngayon. Saan mo kaya mahahagilap ang ipinagmamayabang na Kadiwa outlets? Bukod sa limitadong mga paninda, kalimitan ay hindi rin sa lugar ng mahihirap makikita ang Kadiwa, at mabilis din itong umaalis dahil hindi naman pangmatagalan o permanente ang kanilang mga lugar na pinagtitindahan.

Maihahalintulad lang ang mga Kadiwa ngayon sa mga nagdaang administrasyon tulad ng “Erap rolling store” at “Tindahan ni Gloria Labandera rolling store” na hindi pumatok at tuluyang nawala o naglaho na lamang. Kaya nga, nakalulungkot na sa ilalim mismo ng administrasyon ni Bongbong, lumalabas na parang tinabla ng pangulo ang tunay na Kadiwa na sinimulan ng kanyang nanay. Hindi pa huli ang lahat at dapat na ayusin at itama ang programa ng Kadiwa na sa panahon ngayon ay higit na kailangan ng mahihirap na mga kakabayan.

About Mat Vicencio

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Totoo kaya ang sumbong?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MASAMANG-MASAMA ang loob ni Parañaque mayoralty candidate Aileen Olivarez …

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …