Saturday , April 19 2025
Manila North Cemetery E-WARRANT Shabu

Sa Manila North Cemetery
4 SA 36 DINAMPOT POSITIBO SA E-WARRANT, 3 NAHULIHAN NG DROGA 

NAGLUNSAD ng Oplan Galugad ang mga tauhan ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre P. Dizon sa pangunguna ni Sta. Cruz Station (MPS-PS3)  commander P/Lt. Col. Ramon Solas sa Manila North Cemetery.

Dakong 3:30 am ikinasa ang Oplan Galugad bilang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa darating na Undas, pakay ng operasyon na masakote ang indibidwal na posibleng may warrant of arrest, sangkot sa droga, at iba pang may paglabag sa batas na naninirahan sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Solas, ito ay upang makasiguro ang MPD na walang krimimal o wanted person/s na naninirahan o nagtatago sa loob ng naturang sementeryo upang matiyak ang seguridad ng mga kababayan nating inaasahang daragsa sa lugar ngayong Undas 2022.

Sa naturang operasyon ay umabot sa 36 katao ang dinampot at sumailalim sa on-the-spot verification, at isa sa kanila ang positibo sa e-Warrant habang tatlong katao ang nahulihan ng droga at drug paraphernalia.

Inaasahang magsisimula ang paghihigpit sa entrance gate ng MNC ngayong papalapitn ang Undas para masiguro na walang makapagpapasok ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng kutsilyo, baril, sound system, at alak upang mapanatili ang katiwasayan, ang prayoridad ng SAFE NCRPO program ni NCRPO RD P/BGen. Jonnel Estomo partikular ngayong tradisyonal na paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay sa ilalim ng proyektong Ligtas Undas 2022 ng PNP. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …