Wednesday , March 29 2023
Andre Dizon PNP MPD

Sa Maynila
8 MPD OFFICIAL BINALASA NI DD P/BGEN. DIZON

BINALASA ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Andre Dizon ang hanay ng station commanders sa bawat estasyon gaya ng Sta. Cruz Station (PS3), Sampaloc (PS4), Abad Santos (PS7), Pandacan (PS10), Meisic (PS11) at Delpan (Ps12) bilang hakbang tungo sa pagpapanatili ng peace and order na kabilang sa programa nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul Servo sa lungsod ng Maynila.

Nabatid sa inilatag na balasahan ni P/BGen. Dizon, humalili bilang hepe ng MPD PS3 si P/Lt. Col. Ramon Solas kay P/Lt. Col. Jonathan Villamor na itinalaga bilang hepe ng MPD PS7.

Kapwa bagong assign sa MPD ang dalawang opisyal na inaasahang maglalatag ng seguridad sa Sta Cruz at Tondo, Maynila.

Pinalitan ni Villamor si dating P/Lt. Col. Robert Domingo na inilipat bilang Chief, District Investigation and Detection Management Division (DIDM), isang T.O. position para sa promotion bilang full-pledge colonel.

Samantala, nagpalit ng kani-kanilang presinto si P/Lt. Col. Acohon na nadestino sa PS12 kapalit ng bagong talagang PS4 commander P/Lt. Col. Jay Doles na magpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman, sa ilang buwang pamumuno nina P/Lt. Col. Domingo at P/Lt. Col.. Doles sa Tondo at Delpan ay napanatili ang mababang crime rate sa kanilang area of responsibility (AOR).

Samantala, naupo bilang station commander ng PS10 si P/Lt. Col. Maria Agbon na magsisilbing gabay  ng mga pulis-Pandacan.

Pinalitan ni P/BGen. Dizon ang hepe ng PS11 na si P/Lt. Col. Magno Gallora, kilalang malapit na opisyal kay dating Manila Mayor Isko Moreno at dating MPD Director P/Lt. Gen. Vic Danao na katuwang sa paglilinis at pagsasaayos sa paligid ng Divisoria at Binondo Maynila.

Humalili kay Gallora bilang station commander ng PS11 si P/Lt. Col. Rexson Layug na inaasahang magpapatupad ng mga programa ng pamahalaang lungsod partikular ang constant clearing operation sa nasabing lugar.

Napagalaman sa naganap na turnover ceremony ay naging direktiba ni Dizon sa mga pulis-Maynila ang pagsisilbi nang mahusay at tiyakin ang seguridad ng publiko lalo ang mga mag-aaral o estudyante sa kani-kanilang AOR.

Giit ni Dizon, mahigpit niyang ipinag-uutos sa lahat ng unipormadong miyembro ng MPD na huwag kalimutan ang slogan ng kanyang pangalan (A.P.D ) — Approachable, Presentable at Dependable ang mga pulis-Maynila sa anomang oras.

Alinsunod ito sa programa ni NCRPO RD P/BGen. Jonnel Estomo na S.A.F.E NCRPO o Seen, Appreciated, Felt and Extraordinary Police Officers.

Ipinaalala ni Dizon ang kanyang mantra “Serbisyong Damang-dama, Serbisyong Uunahin ka”  bilang pagtalima sa programa ni C/PNP General Rodolfo Azurin. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …