Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po ay isang motorcycle rider, Leonardo de Carpio (hindi DeCaprio) ang aking pangalan, 33 years old, taga-Malabon City.
Bago po mag-pandemic, ako ay isang teacher’s aid sa isang malaking unibersidad sa bansa na ang mga estudyante ay pawang anak mayaman.
Ngunit nang nagkaroon ng lockdown, kami ang unang nawalan ng trabaho. Ang kaigihan sa bahagi ko ay dati na akong may motorsiklo kaya nang makatiyempo ako ng oportunidad na makapasok sa isang delivery services, naglakas loob po ako.
At ‘yun po ang simula ng aking araw-araw na pakikipagtugisan sa iba’t ibang kalsada at ‘tiktak’ ng orasan.
Awa po ng Diyos, nairaraos ko naman ang pangangilangan ng pamilya, sa araw-araw.
Pero nitong nakaraang araw, sa sobrang init ay tinubuan ako ng maliliit na butlig (parang bungang-araw) sa likod. Napakakati, kapag napisat ay pagkahapdi-hapdi.
Ang ginawa ko po, naligo po akong maigi at pagkatapos ay naghaplos ako ng Krystall Herbal Oil sa bahaging likuran .
Ay pambihira talaga Sis Fely, after two days, tuyong-tuyo lahat ang butlig sa likod ko.
Maraming, maraming salamat po Sis Fely sa inyong mahuhusay na imbensiyon.
LEONARDO DE CARPIO,
Malabon City