Dear Sis Fely Guy Ong,
I am Bernie Nicolas, 35 years old, single, from Marulas, Valenzuela City.
Nagtatrabaho po ako sa isang BPO o business process outsourcing.
Noong una’y pinagtitiyagaan ko lang ang trabaho ko dahil pangarap kong makapunta sa New York. Pero noong magkaroon ng pandemic, aba, minahal ko po ang trabaho ko, kasi bukod sa work from home (WFH) ang naging set-up namin, hindi ako nawalan ng trabaho.
Malaki ang pasasalamat ko kay Lord kasi, sa kabila ng pandemya, hindi kami kinapos kasi hindi nga ako nawalan ng trabaho.
Kaya naman pati ang nanay ko ay tuwang-tuwa. Although nakatatakot kasi may mga cases na kahit hindi lumalabas ng bahay ay nahawa ng virus na COVID-19.
Hindi naman po ako tinamaan ng COVID, ang tumama po sa akin ay santambak na kagat ng lamok. Naku, talaga namang kitang-kita sa balat ko.
Pero nang mapansin ng nanay ko, iisa lang po ang ibinigay niya sa akin — KRYSTALL Herbal Oil.
Sabi niya, huwag mo kamutin kapag makati. Lagyan mo lang nitong langis ‘yang mga kagat ng lamok.
Aba, after 3 days, ako po’y gulat na gulat dahil walang kahit anong bakas ng peklat ang mga kagat ng lamok at nawawala ang kati-kati.
Thank you talaga nang marami Sis Fely. Napakahusay po ng inyong imbensiyon.
BERNIE NICOLAS
Valenzuela City