Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Mag-asawang organic farmers, Krystall ay katuwang sa pagpapalakas ng katawan

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Lutgarda delos Santos, 58 years old, taga-Silang, Cavite.

Ako po at ang aking asawa ay nagmamantina ng free range chicken at baboy-ramo. Mas mainam raw kasi ito sa kalusugan.

Bagamat ako’y nagbebenta ng mga itlog mula sa mag-asawang inahin at tandang, ay hindi naman ganoon kabilis ang balikwas ng puhunan kasi nga ay organic. Ganoon din ang karne ng baboy-ramo. Medyo mahal po sa pangkaraniwang presyo ang aming mga produkto — kasi nga ay organic.

Dahil maliit ang kita, kaming mag-asawa lang ang nangangalaga sa aming mga manok at baboy-ramo. Kaya pagdating ng hapon, aba e pagod na kami.

Ang katuwang namin sa pagpapalakas ng aming katawan para sa araw-araw naming pagtatrabaho sa maliit na kabukiran ay ang inyong Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, at Krystall Vit B1B6.

Bilang pagpapalakas ng aming immune system, kami ay laging umiinom ng mainit na Krystall Nature Herbs tuwing pagkatapos mananghalian.

Sa umaga naman, matapos ang almusal ay umiinom kami ng Vit B1B6 — kaya naman hindi sumasakit ang aming mga kasu-kasuan kahit na kilos nang kilos kami sa maghapon.

Ang Krystall Herbal Oil, ay inihahaplos namin sa aming mga paa, likod, balikat, at braso bago matulog. Aba, malaking ginhawa po talaga.

Maraming salamat Sis Fely, sa patuloy ninyong pagpapaunlad ng inyong imbensiyon para makatulong sa kalusugan ng mamamayan.

Patnubayan po kayo ni Yahweh El Shaddai.

LUTGARDA DELOS SANTOS

Silang, Cavite

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …