Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil, Insect Bites

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’ sa Krystall Herbal oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

        Ako po si Lorilie Amboquio, 38 years old, taga-Murphy, Cubao, Quezon City.

        Dahil po sa pandemic, ang trabaho ko dati sa call center ay naging work from home (WFH). Natuwa naman ako kasi nga hindi na ako mai-expose sa mga posibleng panganib na mahawa ng CoVid-19.

Heto naman po ang naging problema ko, dahil sa gabi ako nagtatrabaho, hindi ko namalayan na ang napuwestohan ko pala sa sala namin ay maraming lamok.

        Kinabukasan po, ang dami kong kagat ng lamok sa binti. Ang sagwa tingnan bukod pa sa napakakating masyado.

Bigla ko pong naalala  na noong nagsimba ako sa Baclaran, nakabili ako ng Krystall Herbal Oil. Hindi po kasi kami nagpapawala nito sa bahay dahil malaking tulong talaga lalo sa emergency cases. Napakahusay na katulong sa pang-unang lunas sa panahon nga po ng mga emergency.

Agad ko pong nilagyan ng Krystall Herbal Oil ang mga kagat ng lamok sa aking binti. Unti-unti po naramdaman ko, nawawala ang pangangati. Sa unang tatlong araw po ay makikita rin ang mapupula at maiitim na marka ng kagat ng lamok pero habang lumalaon ay unti-unti rin ‘nabubura’ ng Krystall Herbal Oil ang ‘peklat’ o markang iniwan ng kagat ng lamok.

Maraming-maraming salamat po talaga Sis Fely Guy Ong. Napakalaking tulong po ng inyong mga imbensiyon sa aming pang-araw-araw na buhay.

Sumasainyo,

LORILIE AMBOQUIO
Cubao, Quezon City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …