Dear Sis Fely
Kumusta po kayo? Nawa’y datnan kayo ng aking patotoo sa mas mainam na kondisyon gaya ng ginagawa sa amin ng inyong mga produktong Krystall.
Ako po si Bryan Nepomuceno, 35 years old, isang clerk sa isang municipal trial court sa Pampanga.
Ngayon pong panahon ng pandemya, mas madalas ay online ang mga hearing namin. Hindi po ito madali dahil mas nadoble ang trabaho namin.
Totoong 4-6 hours lang ang trabaho namin sa loob ng court, pero on call pa rin po kami kahit nasa bahay para po sa updates ng mga kaso.
Lagi ko pong naririnig sa judge namin, “Justice delayed is justice denied” kaya hindi dapat inaantala ang mga hearing.
At para po maging epektibo akong clerk, pinalalakas ko po ang aking resistensiya sa pamamagitan ng inyong Krystall products. Hindi po ako pumapalya sa pag-inom ng Krystall B1B6 at ng Krystall Nature Herbs. Bukod pa ‘yan sa paghahaplos ng inyong miracle oil na Krystall Herbal Oil.
Ang araw-araw na pamumuhay ko po bilang empleyado ng hukuman ay mabuting testimonya ng Krystall herbal products, kasama po ang aking buong pamilya.
Kaya malaki po ang pasasalamat ko at hindi kayo nagsasawang tumuklas ng mga bagong bagay na makatutulong sa inyong kapwa.
Maraming, maraming salamat po Sis Fely.
BRYAN NEPOMUCENO
Angeles City, Pampanga