Thursday , March 30 2023
Rowena Guanzon Rappler Talk

Hindi kayang pilitin magbayad ng tax
MARCOS JR., SPOILED BRAT, ABSENTEE GOVERNOR — GUANZON

SINADYA ang hindi pagbabayad ng buwis ng isang spoiled brat at absentee governor na anak ng diktador at Partido Federal ng Pilipinas presidential bet Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon, ito ang mga katangian ni Marcos, Jr., kaya kahit mga abogado ng anak ng diktador ay hindi kayang pilitin na magbayad ng buwis at kahit magmulta noong convicted na siya sa kasong non-filing of income tax return.

“Hindi pa ba willful ‘yan e 4 times hindi nagbayad ng ITR habang gobernador siya e ang dami naman niyang accountant? Tapos no’ng na-convict ang kliyente niya sa regional trial court at Court of Appeals, hindi pa nagbayad ng fine ang kliyente niya, hindi pa ba willful ‘yan? Isn’t it an act of a person with weak moral fiber or at least a spoiled brat na, ‘Why will I pay? I’m the son of a president.’ Ganyan ang attitude niya, ngayon convicted siya, hindi pa rin siya nagbayad ng fine?”

Pahayag ni Guanzon sa panayam sa Headstart sa ANC hinggil sa pahayag ng abogado ni Marcos, Jr., na si Atty Vic Rodriguez na ‘hindi willful’ ang hindi pagbabayad ng buwis ng anak ng diktador.

Hindi aniya kayang pilitin ni Rodriguez ang kanyang kliyente na magpunta at pumirma sa korte para magbayad ng multa.

Giit ni Guanzon, hindi dapat paikutin ng kampo ni Marcos, Jr., ang publiko sa mga teknikalidad ng kaso dahil wala naman silang maipagmamalaking desisyon ng Korte Suprema na pabor sa kanila.

“Alam n’yo, ‘wag n’yo ‘anohin’ ang tao sa technical, technical n’yo. At sa technical man, wala kayong ruling ng Korte Suprema in your favor,” ani Guanzon.

“Mabuti kung once lang siya hindi nagbayad ng tax dahil na-oust sila, e four years e mula 1982 pa. Absentee governor nga siya e. Sabi ng isang dean doon, absentee governor siya. Nasaan siya? Dahil anak siya ng president, hindi siya nag-file. Ako, kapag anak ng president, the more reason na mag-file ako, magko-comply ako sa batas. Ang malala pa riyan, hindi pa nagbayad ng fine,” dagdag niya.

Ngayon lamang aniya nabisto na convicted si Marcos, Jr., sa naturang kaso kaya nakalusot siya nang kumandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

“Nobody filed a case against him before, they did not find out. It’s only now that they found out.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …