Saturday , November 2 2024
Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino at Victor Asuncion dahil pareho pala silang nagkaroon ng Covid-19 at namatay ang mama ng singer/actress habang maysakit siya.

Pagkalipas ng dalawang buwan ay ngayon lang ulit nakapag-post si Yeng sa kanyang YouTube channel na may titulong   The Most Painful And Difficult Moment Of My Life para ikuwento ang pinagdaanan nilang pamilya.

Sinimulan muna ni Yeng sa pagtitimpla ng brewed coffee dahil hindi kompleto ang araw niya ng hindi nakaiinom ng kape.

Aniya, “Nagkaroon ako ng covid, pati si Yan (palayaw ni Victor). Si Yan asymptomatic kaya napakapalad. Ako positive na nag-show ‘yung mga symptom.

“Noong nabalitaan ko na positive ako, confuse kasi maingat talaga kaming mag-asawa. Everywhere we go, mayroon kaming mask, mayroon kaming shield tapos lagi kaming may alcohol, talagang super long sleeves, naka-cap, hoodie talagang pino-protektahan ‘yung mga sarili namin.

“Sobrang na-confuse ako, saan namin makukuha ‘yung virus? Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin na. Okay heto na, mayroon na akong covid.

“Noong una, I was just taking it easy kasi ayaw kong i-stressin ‘yung sarili ko. Baka lalong lumala ‘yung sakit. Generally, malakas naman talaga ‘yung loob ko and I was thinking na,’hindi. Kailangan ko lang hintayin ito ng dalawang linggo and after this, mas mayroon na akong immune system against COVID.

“Pero habang lumilipas ang mga araw at nagkakaroon ako ng ibang symptoms, such as nawalan ako ng pang-amoy, ‘yung panlasa ko pumutla, parang doon mas nag-sink sa akin na may Covid nga ako. The scariest part for me is ‘yung nagsimula na akong mahirapan huminga.”

Sa tingin ng asawa ni Yeng ay malakas ang loob nito bagay na hindi ipinakikita ng mang-aawit at lahat ng fears niya ay nasa dibdib at utak niya dahil ayaw niyang mag-aalala ang hubby niya kaya wala siyang ginawa kundi matulog na umaabot sa 16 hours na hinihila rin daw siya ng kama.

“Noong na-experience ko lahat ng ‘yun, my mom passed away. Habang natutulog kami ni Yan, isang madaling araw, nag-ring ‘yung phone. ‘Yung tatay ko, nasa kabilang end. That was September 23, 5:00 a.m..

“Hindi ko pa narinig ‘yung boses ng tatay ko na ganoon kalungkot.Ibinalita niya sa amin na ‘yun nga, wala na si Mama.

“Matagal nang nag-struggle si mama sa sakit niya, pero ‘yun nga habang tumatanda siya, lalong nagkakaroon ng more complications. This year talaga, mas naging obvious ‘yung mga complication na ‘yun.”

Kinailangan niyang maging strong dahil sila ang sandalan ng kanilang ama sa pagkawala ng ina.

“It was only four days at saka ako nakaiyak at madaling araw din ‘yun. Kasi after mama passed, nagigising ako tuwing madaling araw, nag-aalala ako sa mga kapatid ko, nag-aalala ako sa tatay ko, pero that one particular morning nag- breakdown talaga ako.

“Sinabi ko kay Yan na, ‘hindi ko na maririnig ‘yung boses ng nanay ko ulit.’”

Ibinahagi pa ni Yeng na hindi malambing ang ina tulad ng ibang nanay na ganoon ang trato sa mga anak, disciplinarian ang nanay nila at laging kinagagalitan sila para hindi sila magkamali at mapahamak.

“Noong bata ako, naisip ko na sobrang KJ (kill joy) ni mama, ayaw niya ng music ko, ayaw niya akong maging rakista, laging ganoon. Sabi niya, ‘mag-aral kang mabuti, ‘wag kang tatamad-tamad pero ‘yun ‘yung way niya to tell you na ayaw kong ma-experience mo ‘yun hirap na naranasan ko noong time ko, pakiramdam ko that time galit lang siya sa akin pero masuwerte ako na naging mama ko siya kasi tinuturuan niya ako ng hardwork,” emosyonal na kuwento ni Yeng.

Maaga gumigising ang ina para mamalengke sa Marikina ng mga ititindang isda, karne, at gulay sa mga kapitbahay nila at isinasama siya niyon.

At noong na-cremate na ang ina ay nagkuwentuhan silang magkakapatid kasama ang papa niya tungkol sa unique way ng pagmamahal ng nanay nila at inaming may ilang kapatid siyang nagrebelde dahil dito pero hindi sila sinukuan ng mama nila.

Sa huli ay nagpasalamat si Yeng sa mga nakinig at nanood ng vlog niya, sa pag-share niya ng pinagdaanan nila sa nakalipas na dalawang buwan.

About Reggee Bonoan

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

Kris Aquino

Kris magpagaling muna, delikado ang maglabas-labas

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa …

Vilma Santos Luis Manzano

Luis matatangay ng lakas ni Ate Vi

HATAWANni Ed de Leon SI Luis Manzano ang laging kasama ngayon ni Vilma Santos sa mga kampanya. Natural iyon …