Saturday , November 16 2024

Pagkalinga ng DOE sa ‘coal’ kahina-hinala! — CEED

ANG anim na sentimong karagdagang national average power rate noong Disyembre ng nakaraang taon na iniulat ng Department of Energy (DOE), ay isa na namang malaking katanungan, kung bakit nais pa rin panatilihin at mas paigtingin ng ahensiya ang pagkalinga o dependensiya sa napakamahal at mapanganib sa kalusugan, maging sa kalikasan ng maruming enerhiya mula sa ‘coal’ o karbon.

Ito ang inilabas na pahayag ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) sa pangunguna ng executive director na si Gerry Arances, na sinabi niyang ang power crisis noong 2019, ay naging madalas ang pagkakaroon ng red at yellow alerts dahil sa mga nangyayaring ‘shutdowns’ ng mga ‘coal-fired power plants.’

“The power crisis of 2019, where many of the over sixty instances of red and yellow alerts were recorded during the summer months largely due to unexpected shutdowns of coal-fired power plants, caused price fluctuations that sent electricity rates soaring,” base sa statement.

Ayon sa pahayag, kompara sa 30 porsiyentong pagbawas sa electricity charges kung ang renewable energy ang siyang primary source ng enerhiya, ayon sa Institute for Energy Economics and Financial Analysis (IEEFA).

Maging aniya ang pinakamalaking distribution utility sa bansa, ang Meralco ay sinasabing nagbigay umano ng ‘price reductions’ nitong ‘pre-quarantine months’ bilang karagdagan sa nababagong pasilidad sa halo nito.

“There is no reason why we should continue relying on coal when we have an abundant supply of cheap and clean energy from renewable sources just waiting to be tapped,” dagdag sa statement ng CEED.

 

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *