Sunday , May 19 2024

Kapal ng mukha ng may-ari ng flying school

SOBRANG kapal pa sa semento o bakal ang mukha nitong may-ari ng flying school na nakatirik sa bahagi ng Dr. Santos Ave., Sucat, Parañaque City. Kay tagal na ayaw magbayad ng renta sa lupang kinatitirikan ng iskul, kaya sinampahan ng kasong ejectment ng may-ari ng lote na nasa MTC na ng lungsod.

***

Ang nakapagtataka, walang bayad sa renta wala pang business permit ang flying school na dapat aksiyonan ng pamahalaang lokal ng nasabing lungsod… Anyare Mrs. BPLO? Bakit hanggang ngayon wala pang closure order? Naiipit ka ba sa problema? Kanino?

Kitang-kita no permit to operate, walang closure order? Kanino kayo naawa, sa 500 estudyante ng flying school o sa Cilinel na may-ari ng flying school dahil tama ba ang naamoy ko? Sana mali ang nalalanghap ko…

***

Naaawa kayo sa mga estudyante, ‘di kayo naawa sa may-ari ng lote na nagba­ba­yad ng real property tax? Dapat ‘di pala magbayad ng RPT ang may-ari ng lote para may closure order agad ang flying school!

Bakit ang tindahan ‘pag walang business permit agad-agad ipinapasara ninyo?

Bakit itong flying school ‘di ninyo maipasara na isang delingkuwenteng negosyante? Hintayin mo Col. Ungas at Mrs. BPLO at nagpatawag na ng presscon ang may-ari ng lote.

Sikat kayo niyan!

Abangan.

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

YANIG ni Bong Ramos

Total ban sa sigarilyo, vape atbp nakapipinsalang produkto iminungkahi

YANIGni Bong Ramos IMINUNGKAHI kamakailan ng magkapatid na Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter …

Dragon Lady Amor Virata

Korek na korek Senador Bong Go

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KAMAKAILAN sa Senado, tinalakay ni Senator Bong Go ang …

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *