Thursday , March 20 2025

Huwag bibili ng pekeng pet care products

SA panahon ngayon, halos lahat ng pro­dukto ay pine­peke ng mga tiwaling ne­go­syante kumita lang nang ma­laki. Pekeng beauty pro­ducts, pe­keng gamot, pekeng bigas. Pati nga ang shabu pinepeke na rin ng mga tulak.

Pero batid ba ninyo pinepeke na rin pati ang pet care products. Kaya nga nagbabala sa publiko ang Himalaya Drug Company Pte. Ltd. dahil talamak ang bentahan ng kanilang pet care products na Nefrotec, Liv-52, Immunol at Cannnisep.

Epektibo ang mga produkto ng Himalaya kaya maraming nagsulputan na parang kabute sa pamilihan at kinokopya ang kanilang pet care products.

Ang pet care products Nefrotec, Liv-52, Immunol at Cannnisep ang tanging mga produkto sa inyong mga alagang hayop na garantisadong herbal products na may approved therapeutic claims mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaya pilit kinokopya ng mga tiwaling negosyante.

Mabibili sa Animal Health Marketing and Services Inc., ang mga produkto ng Himalaya at madaling makilala sa packaging: ang generic name ay mas malaki kaysa brand name na inire-require ng ating lokal na batas, kitang-kita ang FDA registration number at nakalista ang address ng distributor sa ating bansa.

Kung may kulang na kahit isang palatandaan sa bibilhin ninyong pet care products, magduda na kayo dahil peke ang nabibili ninyong produkto na posibleng makasama sa kalusugan ng inyong mga alagang hayop.

Dapat din pansinin ang benepisyo ng mga produkto ng Maharlika dahil ito ang kaunahang petcare product na extract mula sa halaman at wala kemikal na sangkap.

Ang Liv52 para sa pag-detoxify ng liver sa mga byproduct ng pagkain dry dog food na mataas ang salt at preservatives; Nefrotec pang detoxify ng kidney sa mga kidney stone sanhi ng mataas na asin sa dogfood; Immunol para palakasin ang natural immune system panlaban sa iba’t ibang uri ng sakit; Canisep cream para sa mabilisang panghilom mg sugat at pantaboy ng langaw at ibang insekto ng sugat.

Kaya pinepeke ang produkto ng Maharlika ay epektibo ito para sa kapakanan ng inyong mga alagang hayop. Kaya maging maingat baka palsipikado na ang binibili ninyong produkto alang-alang sa mahal ninyong mga pet, aso man iyan o pusa.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Molotov attacked sa kotse ng photojourn, QCPD nakapuntos na

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa man napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *