Friday , July 26 2024

Mark, pinangalanan ang naka-sex at naka-love affair

NAG-IIPON na ba kayo ng pambili ng Beyond The Mark, ang librong isinulat ng singer-actor na si Mark Bautista tungkol sa kanyang buhay?

Buhay ng isang bi-sexual: ‘yung nagkakagusto sa babae at lalaki. At puwede rin siguro sa tomboy o sa bading.

Nabalitaan n’yo na siguro ‘yung confession ni Mark sa libro n’ya na may naka-affair (romantic-sexual affair) siyang kaibigan n’yang aktor, nabuko sila niyong girlfriend ng aktor, at nakipag-break agad ‘yung girlfriend sa aktor.

Pamilyar na sa ating lahat na mahilig sa showbiz ang blind item na ‘yan. At sa libro ni Mark, parang blind-item style pa rin ang pagkakasulat.

May maikling feature article sa isang broadsheet na deretsahang binanggit ang pinagsususpetsahang  aktor at girlfriend na biglang naghiwalay dahil nabuko niyong girl ang affair nito with another man.

Pero mabilis ding idinagdag sa article na ‘yon na may nagsabi umano   sa writer na totoong may aktor na naka-romantic-sexual affair si Mark pero hindi iyon ang tinutukoy na aktor. Naniniwala naman ‘yung writer na hindi nga ang iniisip niyang actor iyon.

Marami naman yata talagang lihim na bi-sexual sa showbiz idols natin.

Pero may bahagi kaya ng libro na may papangalanan talaga si Mark na naka-love-and-sex affair n’ya?

This week na lalabas ang libro sa mga National bookstore. Ingles ang libro. At ayon sa kolum ng broadsheet entertainment editor na si Ricky Lo (na may nabasa nang ilang pages ng libro) mahusay magsulat sa Ingles si Mark. Exclusively published and distributed by VRJ Book Publishing, Inc. ang libro.

Bili tayong lahat na mahilig sa Pinoy showbiz!

Ang Viva Entertainment ang nag-build up kay Mark bilang singer-actor. Ini-loveteam siya kay Sarah Geronimo sa ilang pelikula at projects. Suportahan kaya ni Sarah ang libro ni Mark?

Nakatakdang dumating sa Pilipinas si Mark mula sa USA (o sa England ba?). Special guest siya sa concert ni Joanna Ampil na Love Wins sa Valentine’s night mismo sa BGC Arts Center. Si Joanna ‘yung Candida sa Ang Larawan, at nagwaging Best Actress noong 2017 Metro Manila Film Festival.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *