Wednesday , October 9 2024

Kris, ini-request at ipinaimbita ni Ms. Caroline Kennedy (sa pagpunta sa ‘Pinas)

MASAYANG ibinalita ni  Kris Aquino na makikilala at magkikita sila in less than two weeks ni Ms Caroline Kennedy, anak nina rating US President John F. Kennedy (JFK) at First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy Onassis dahil pupunta ito ng Pilipinas.

Ipinaiimbita ni Ms Caroline ang Queen of Online World at Social Media kaya naman tuwang-tuwang ibinalita ito sa nakaraang Ever Bilena contract signing.

Naging diplomat si Ms Caroline, US ambassador sa Japan mula 2013 hanggang 2017 at bukod sa pagiging abogada ay isa rin siyang manunulat ng libro.

Nagkatawanan naman ang lahat noong ikuwento ni Kris ang suggestion ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap na ang puwedeng maging topic nila ni Ms Caroline ay kung paano namatay ang mga magulang nila dahil parehong pareho.

“Si Bimb, nakakaloka, sabi niya, ‘O, Mom, you can say both your dads were assassinated, sabi ko talaga, ‘Bimb!’ Yung parang, ‘Oh my God.’ Sabi ko, ‘Bimb, I don’t think that will be our topic.’Pero ‘yung sa kanya kasi is really a matter of fact and history. Pero sabi ko, ‘In fairness, talagang alam ng anak ko.’

“And then, sabi niya, ‘And then you can also say that both your moms had cancer.’ Sabi ko, ‘Bimb, stop it!’ Pero ‘di ba, I was so impressed my ten-year-old has that much knowledge. Pero sabi ko, ‘Honey, I don’t think those will be the things that we will be talking about.’

“Bilib na bilib ako dahil ‘yung son niya, nag-speech noong inu-honor nila si [former US President Barrack] Obama. I’m not sure kung sa Harvard or Yale, but he was so impressive and so cute. So, siya ‘yung life peg ko para kay Bimb.”

KINILIG SA IMBITASYON

At dahil excited na si Kris ay, “Nagpagawa na ako ng tamang Filipiniana, ibang levels. Sabi ko, may isang bihis na bihis, may isang semi-bihis lang na Filipiniana. Wala lang, na-excite lang ako talaga.

“And the fact na it came from her that she wanted to meet us talaga, kilig na kilig talaga ako. Kung lumaki ka the way na lumaki ako, na ang maririnig mo paulit-ulit from your dad was Mahatma Gandhi, JFK, and Martin Luther King, the fact na mami-meet mo ‘yung daughter is talagang so exciting,” masayang kuwento ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *