Monday , October 7 2024

Alden, tao rin at hindi robot

KAWAWA naman si Alden Richards dahil hinahanapan ng butas ng mga basher niya. Kahit lumang birthday video greeting noong 2014 ay hinalukay at binigyan ng malisya ang pagsaway niya ng,”Gaga, narinig ka!”

Bagamat normal at expression sa showbiz  ang salitang “Gaga”. Ginamit ito ng mga basher laban sa Pambansang Bae. ‘Pag hindi ka kasi showbiz, magugulantang ka at nega ang dating.

aldub alden richards Maine Mendoza

Pero, ang babaw na isyu na naging big deal na. Kahit naman sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros nagiging expression minsan ang ‘gaga’. Kahit ang mga straight guy ay expression na ‘yan.

Hindi talaga dapat big deal dahil kahit si Nar Cabico ay may kanta na  Gagaeh!

Ginagawang isyu ngayon ang kababawan na ‘yan.

Umayos nga kayo at hindi lahat ay hina-hanash niyo.

Ayon  kay  @gayabuel:  ”Tao Po Si Alden ndi Santo…Expression lng un. STOP the HATE.”

Sey naman ni @AikoShaowny”Baka bakla siguro pinagsabihan nya kaya pabirong ganyan Gaga tumigil ka.Parang di naman seryoso pagkasabi ni Alden Hihi ka understand na sya ni God.”

Ayon  pa  sa mga netizen na malawak ang pang-unawa: ”Mali ba ang word na gaga? Bumalik na ba tayo sa 1950’s. Does that define a person? You cant put a good person down. Yung nag upload ng video at nagbibigay ng malice ay masamang tao dahil purpose niya ay manira ng kapwa.”

“What’s wrong with Gaga? F word is being thrown left and right now a days. We are 2018 already!”

“Hello 2018 na. Sa panahon ngayon, ang pagmumura ay reaksyon na lang ng mga tao wether natatawa sila or nagagalit, hindi na sya big deal ngayon. Ewan ko ba sa mga taong to. Simpleng bagay pinalalaki.”

“I heard “Gaga narinig ka” I guess it’s just an expression and people put malice into it simply because hater sila ni Alden?”

“You know what’s really bad about this? No it’s not the word “gaga”. What’s really wrong is the malicious intent of the person who shared this on social media. Personal video greets are sent privately. Hay Alden! Be careful of the people around you. Sila din ang sisira sayo.”

“Hindi naman Santo yan, tao din sya. Kayo lang mga bashers nya na ginagawa syang perfect tapos hahanapan ng mali at gagawing big deal. Alam naman namin mga fans nya yan, so? Ano rin problem mo sa Bible quotes? Mas mabuti ipalaganap ang posivity kaysa kanegahan.”

“Hahahahah tao si Alden, di Santo kaya normal lang yan. Sabi nga ni Alden kilala nya sarili nya kaya wala sya dapat patunayan sa iba. “

“Matagal na yang basher ni Alden, mga OSF . ‘Yan ‘yung mahilig gumawa ng mga corny rhymes to tweet. Effort much. Lahat ng pambabash at pangmamaliit kay Alden ginawa ng mga yan. Di pa rin maka-move on. Obsessed much”

‘Yun na!

(ROLDAN CASTRO)

About Roldan Castro

Check Also

Taxi Japan

Jed dela Vega ng Pinoys Everywhere may panawagan: Mag-ingat sa mga puting plaka sa Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY panawagan naman ang ilang mga kaibigan natin sa Japan.  Ayon …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *