Monday , October 7 2024

Ronwaldo, sinampal ni Coco sa akalang nambabading (Handang makipaglaplapan sa kapwa lalaki)

NASAPAK na pala si Ronwaldo Martin ng kanyang Kuya Coco Martin dahil akala niya ay nambabading ang nakababatang kapatid.

“Araw po ng Mga Patay noon, nakaupo lang po ako sa hood ng jeep namin tapos may lumapit po sa aming bading. Kasi naroon ang Kuya ko tapos tinatanong kung kapatid ako, sinampal po ako ng Kuya ko sa harap ng mga bading. Sabi po niya, nambabading daw po ako, eh! Kaya po iyon, nadala po ako. Nadala po ako,” kuwento ni Ronwaldo nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Bhoy Intsik na entry sa Sinag Maynila Film Festival 2017 mula m March 9 to 14. Mapapanood ito sa  SM Megamall, SM North Edsa, Gateway, at Glorietta 4 cinemas.

Umiyak na lang siya at hindi nakapagpaliwanag na wala siyang relasyon sa baklang lumapit sa kanya na nanlalandi.Wala pa sa showbiz noon si Ronwaldo pero artista na si Coco sa Tayong Dalawa.

Sinabi rin niya na wala pa siyang karanasan sa bading. Never siyang pumatol dahil siguradong sampal ang aabutin niya sa kuya niya ‘pag nalaman at baka pati ‘yung bakla ay mabugbog pa.

HANDANG MAKIPAGLAPLAPAN
SA KAPWA LALAKI

Pero willing siyang makipaglaplapan sa same sex kung kinakailangan sa pelikula.

“Kung mananalo po ako (ng award) gagawin ko po,” deklara niya.

Protective si Coco sa kapatid  pero mabait ito. Suportado niya ang career ni Ronwaldo na magkaroon  ng sariling pangalan. Pero mas gusto niyang mag-umpisa muna sa indie para lalong mahasa sa pag-arte. Hindi nga niya ito ipinapa-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Gusto siguro ni Coco na magkapangalan ang kapatid niya na hindi dahil isinama niya sa serye niya.

Samantala, pang- anim na pelikula na ni Ronwaldo ang Bhoy Intsik na tinatampukan din ni Raymond ‘RS’ Francisco at sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan. Prodyus ito ng Frontrow Entertainment.

Kasama rin sa pelikula sina Jeric Raval, Mon Confiado, Jim Pebanco, Mike Lloren, Elora Espano, Tony Mabesa, Alvin Fortuna, Ahwel Paz, Shry Valdez, at Dennis Coronel.

“Batang kalye po ako rito, iniwan ng magulang, nakatira sa sementeryo sa bus,” kuwento pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Taxi Japan

Jed dela Vega ng Pinoys Everywhere may panawagan: Mag-ingat sa mga puting plaka sa Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY panawagan naman ang ilang mga kaibigan natin sa Japan.  Ayon …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *