Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Stags babawi ngayon

111414 NCAA Volleyball
UMAASA si San Sebastian head coach Roger Gorayeb na makakabawi ang Lady Stags sa Game 2 ng NCAA Season 91 women’s volleyball finals mamayang alas-4 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Ginulat ng St. Benilde ang SSC, 24-26, 25-21, 25-19, 25-13, sa Game 1 noong Martes na pumutol sa siyam na sunod na panalo ng Lady Stags mula pa noong eliminations.

“I have this small doubt in my mind na ganyan ang mangyayari kaya Sabado pa lang pinaghandaan ko ’yan,” wika ni Gorayeb. “Kaso lang ang mga players hindi ko alam pagdating ngayon hindi ko alam bakit nagkaganyan.”

Nanguna si Gretchel Soltones sa kanyang 27 puntos sa unang laro ngunit nahirapan siyang umatake kontra sa depensa ng Lady Blazers.

Dahil dito, isang virtual best-of-three na ang finals kaya naniniwala si St. Benilde coach Michael Carino na nasa kanila na ang momentum.

“We adjusted after that first set,” ani Carino.

Sa alas-dos ng hapon ay sisikapin naman ng Emilio Aguinaldo College na sungkitin ang ikalawang sunod na korona sa men’s division sa Game 2 ng finals kontra Perpetual Help.

Sa pangunguna ni Howard Mojica, dinispatsa ng Generals ang Altas, 25-22 14-25, 25-14, 25-16, sa Game 1 noon ding Martes.

Mapapanood nang live ang NCAA men’s at women’s volleyball finals sa ABS-CBN Sports+Action Channel 23.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON

NU LADY BULLDOGS, KAMPEON NG SSL 2025 PRESEASON!
Nag-4-Peat Matapos Manaig sa UST Golden Tigresses sa Epic 5-Setter Finals

HISTORIC SWEEP: National University (NU) Lady Bulldogs, walang-talong inangkin ang ikaapat na sunod na Shakey’s …

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …