Thursday , December 26 2024

Bumabawi si Atty. Francis Tolentino 

00 pulis joeyKAMAKAILAN ay tinalakay ko ang problema ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa kanyang pagtakbong independent senatoriable.

In fairness kay Tolentino, ilabas naman natin ang panig ng kanyang kampo at kanyang pagkatao.

Sabi ng kanyang kampo, kung may isang kandidato sa pagka-senador na dapat ihalal ng bayan dahil sa prinsipyo at magandang track records, ito anila ay si ex-MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.

Nagsimula raw si Tolentino sa pulitika nang siya ay mahirang bilang OIC-city mayor ng Tagaytay City matapos ang makasaysayang EDSA Revolution noong 1986.

Pinamahalaan niya ang Tagaytay bilang mayor sa loob ng tatlong termino mula 1995 hanggang 2004 at naging executive vice president ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) mula 2001-2004.

Ang kanyang background sa edukasyon ay nagpapatunay ng kanyang malawak na kaalaman. Nagtapos si Tolentino ng Bachelor of Arts at Bachelor of laws sa Ateneo de Manila University noong 1980 at 1984.

Siya ay nag-aral din sa University of London at Tulane Law School sa Louisiana sa Estados Unidos.

Sa kanyang TV commercial, pinuri ni Tolentino ang mga Pilipino dahil sa katatagan ng loob sa kabila ng mga kinakaharap na problema.

“Lahat tayo ay nadadapa kahit ako. Lahat tayo ay humaharap sa sari-saring hamon na pilit tayong binabagsak,” wika ni Tolentino.

Dagdag niya: “Nariyan ang bagyo, sakuna, kawalan ng trabaho pero ang mahalaga ay handa tayong bumangon at tingnan kung saan tayo nagkamali o nagkulang. Higit sa lahat handa tayong magbago.”

Ito ay patunay aniya na laging matapang ang mga Pilipino na suungin ang anumang problema at gamitin ang mga karanasan para sa positibong pagbabago.

Ang pagkakaisa ng bawat Pilipino ang siyang mag-aangat sa ating bansa, ayon sa kanya.

“Sama-sama tayong maghanda para sa ligtas at maunlad na kinabukasan,” wika ni Tolentino.

Dito ipinapakita ni Tolentino ang kanyang liderato at ang kanyang hangarin na maiangat ang estado ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan.

Okay! Let’s give him a chance. Good luck, Francis!!!

Sinisiraan lang ang nurse sa Cadiz City

– Good day, Kuya Joey. Sinungaling yun nag-text sayo noong November 8 tungkol sa nurse sa Cadiz City. Panira lang yun sa nurse. Kasi ang nurse nagbuking sa kanila na hindi buntis ang kanilang anak, kaya hindi pinanagutan ng lalaki ang kanilang anak dahil negative ang result sa pregnancy test. Sila yung nagbebenta ng shabu sa Barangay Jerusalem sa may patyo Bag-ong Dalan at bahay nila mismo ni B… ang ginagawang suyupan ng shabu. Mga demonyo kayo! – Concerned BHW Jerusalem

Bakit laging si Roxas ang tina-target ng militante?

– Sir Joey, bakit ganun nalang ang tirada ng mga militante ke Mar Roxas? Yung issue ng DQ cases ni Poe, bakit ke Mar ibinabato eh maliwanag pa sa sikat ng araw na mga dikit ke Binay ang mga nag-file. Si Tatad, tao ni Binay. Si David, tao ni Tatad. Si Valdez, side din ke Binay. Kung hindi ba naman nanggugulo itong si Renato Reyes, panay ang painterbyu nila para wasakin lang si Mar. Mga letse sila. – Ramon ng Cubao, 09186229…

Panggugulo ng militante

– Sa totoo lang, Ka Joey, malaking parte kapag humihina ang turismo ng ating bansa ay dahil sa panggugulo ng mga militante, sa pangunguna ni Renato Reyes, Colmenares, Teddy Casino, Terry Ridon, Tinio at iba pa. Naglaan ang gobyerno ng tamang paghahayag ng hinaing at saloobin pero ano ginagawa nila? Gusto nila sa gitna ng kalye na alam naman nila na lilikha ng trapik, bukod pa sa meron naman silang boses sa kongreso. Mga letse sila! – 09186229…

wala ako na dumaan sa tamang proseso ang kaso ng inyong mayor.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *