Friday , December 27 2024

P5-M utang ni  ex-MMDA Chairman

00 pulis joeyMAY malaking problema ngayon ang isang dating MMDA Chairman.

Kinasuhan ito ng isang brokerage dahil sa P5-M nitong utang noon pang-2013.

Akalain mong magkautang ng ganun kalaki ang ex-MMDA chief na ito e kilala itong super milyonaryo dahil napakatagal niya ring nanungkulan bilang mayor sa isang sikat na lungsod sa Metro Manila bago natalaga sa MMDA.

Sinilipan pa nga siya sa pagpagawa ng napakaraming concrete barriers dahil kumita raw ng milyones…

But in fairness, maganda ang naging performance ni ex-Chairman sa MMDA ha? Nalinis niya ang mga estero at medyo napaganda rin ang daloy ng trapiko.

Sa kanyang panahon nga nauso ang pagpintura sa mga bahay ng squatters sa tabi ng mga estero at highways eh…

Anyway, mababayaran din naman tiyak ni ex-Chairman itong P5-M utang nya na ito. Mani lang sa kanya ito…

Dyan naman sa korte, ang laging ending ng kasong utang ay magkabayaran.

Kasi nga wala namang nakukulong sa utang, ayon sa ating Saligang Batas. Tama ba ako Atty. Waray? Magpainom ka naman, pare ko…

Para sa taga-LTFRB: Basahin nyo ito!

– Mr. Venancio. Sana po mabasa ito ng taga-LTFRB: Bakit po ang decision hirap po nila i-release? Kumpeto naman po ang papeles kay “Sir Ferdie” na taga-LTFRB. Nasa kanya raw po dumadaan lahat ng release ng decision. Pero iniipit nya pa para ba magbigay ng padulas sa kanya? President Aquino daan matuwid ba yan sa LTFRB? – 09287944…

Totoong dyan sa LTFRB ay hindi parin nawawala ang matinding mga kalokohan. Tsk tsk tsk…

Pagbawas sa income tax…

– Kuya Joey, tungkol po ito sa isinusulong na pag-amyenda sa income tax reform. Mas maganda po ito dahil mas magiging benefited po ito sa ating mamamayan. Ang point ko lang dito, kahit man bumaba ang collection natin sa buwis basta sa magandang paraan na pagbubuhusan ng pondo sa mga proyekto ok parin yan. Kaysa malaki ang tax  collection pero kinokorap lang ng mga politiko. Mas nauuna pa ang proyekto nilang farm to pocket road. Hindi sana maghihirap itong bansa natin kung seryoso lang ang gobyerno na tulungan itong farmers natin para mas maganda ang kanilang produksyon at kalsada na dadaanan nila para pag-transport ng kanilang epektos. Ganyan kahirap ang isang lugar pag hindi develop. Salamat, Sir Joey. – 09984777…

Nabinbin na hukay sa Brgy. 178, Tondo binahayan na ng lamok at mabaho na!

– Sir Joey, dito po sa Brgy. 178 Zone 16, District 2, Tondo, Manila, sobra na po ang tagal ng hukay. Kaya na-stock na po ang tubig, malamok na at mabaho pa! Dito po yan sa kalye ng Hermosa. Dalawang taon na ang hukay na ito. Kung pupunta kayo ng Jose Abad Santos, madaanan ninyo ang hukay na ito. Sana tapusin na nila ito.

– Concerned citizen

Paging DPWH at Manila City Engineering Office: Paki-check lang po ang nasabing hukay. Ano ba ‘yan?

Timbangan ng ‘tong’ ng DPWH sa R-10-Capulong (Tondo, Manila)

– Sir Joey,  truck driver po ako sa pier. Yung timbangan po dito ng DPWH sa Road 10-Capulong, Tondo, Manila, walang nahuhuling overloaded. Kasi inieskortan ng mga pulis. P200 hanggang P300 ang bayad ng pa-escort para hindi na dumaan sa timbangan. – 09202933…

Totoo ito. Yang timbangan kuno ng DPWH para sa mga overloaded truck ay walang pinag-iba sa smoke test ng mga city government na puros kotong lang! Kung tutuusin hindi na kailangan ang timbangan ng DPWH sa mga kalye  dahil sa pier palang ay tinitimbang na ang container bago ikarga sa barko. Gayundin ang smoke test ng mga city government. Hindi na ito kailangan dahil may LTO na nagtse-check sa sasakyan tuwing renew ng rehistro. Mga kalokohan talaga ng gobyerno. Ewan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *