Hari ng peke tinutugis ng NBI (Wanted sa BOC: Grace, Sheryl, Meg, Windsay Tan, Arnel)
Jimmy Salgado
September 22, 2015
Opinion
PINAGHAHANAP ngayon ng NBI-IPR ang isang alias Frank Wong, na kilalang matulis sa Customs pagdating sa misdeclaration, IPR violation ng mga general merchandize.
Matagal nang namamayagpag at bantog na may sa bodega sa Vitas, Tondo.
Dapat din imbestigahan ni BIR Commissioner Kim Henares si Wong sa kanyang ITR.
Madalas i-namedrop ni Wong na ok na raw siya sa NBI.
Hoy Mr. Wong, ‘di mo kayang bilhin ang NBI!
Kilala ko sila sa pagseserbisyo publiko nila sa ating bansa.
Sa susunod na issue ay isusulat ko ang TIN number na ginagamit n’ya at kung paano siya magtrabaho nang “special” sa Customs.
May info tayo na pati magic sarap ay pinepeke at ipinapasok sa ating bansa.
Ang mga importation ni Frank Wong ay da-pat na ma-audit ng post entry kung tama ang mga binayarang buwis.
***
Isang Grace naman ang patuloy sa kanyang super undervalue parating at ipinagmamalaki pa na may BF daw siyang taga-BOC kaya ‘di magalaw ang kanyang mga kargamento.
Sino kaya ang sinasabing BF niya?
***
Isang Meg naman ay sikat na sikat sa mga special na trabaho sa Customs. Idinaraan din daw sa pagandahan, totoo ba ito Mr. Harold Ramos?
Magaling raw sa malalimang trabaho sa pier. Kung baga hindi nila kaya ang kamandag ni Meg. Ano ba ang meron siya na wala sa ibang importer?
Si Sheryl ang binansagan na Queen of Ukay Ukay ay 10 years na pala sa racket na ito.
Grabe, kaya pala lagi sa condo ni Pakistani Imran na doon daw ginagawa ang transakyones.
Palagi rin niyang ipinagmamalaki ang BF daw niya ay isang General.
Ang galing ni Sheryl, akala ko politiko ang BF niya, nagkamali pala ang source ko.
Sa susunod na issue, ang palusot sa Customs nina WINDSAY TAN at ARNEL ang tatalakayin natin!
***
Isa sa mga dapat busisiin ni Congressman Magi Guinigundo ang niluluto na auction sa mga huling bigas at asukal. Kaya raw tinatawanan lang ng mga smugglers kapag nahuhuli ang kanilang kargamento.
Bibilhin at kausapin ang mga bidders para makuha niya ulit ‘yung bigas nila. Ang galing talaga ng racket diyan sa Customs auction.
Sa susunod mga modus ni Chimien Wong naman sa auction ang ating bubulatlatin.
***
Gusto kong papurihan ang NBI. Sila ang pinakamaraming accomplishment sa bansang ito sa pangunguna ng aking mga amigo sa NBI na si Director Atty. Virgilio Mendez, Assistant Director Atty. Luigi de Lemos, Deputy director Atty. Edward Villarta, Deputy director Atty. Edmund Arugay, Atty. Tony Pagatpat, Atty. Joey Doloiras, Accountant Rafael Ragos, Roland Argabioso at lahat ng operating unit ng NBI, NBI Clearance Division at lahat ng bumubuo ng NBI
Mabuhay tayong lahat mga amigo! Keep up the good work! Nobility, Bravery and Integrity.
‘Yan ang NBI, mabuhay tayong lahat. God bless us all! Gusto pala natin batiin ang aking pinsan na si Joey Salgado spokesperson ni VP Binay. Insan, keep up the good work at least maganda ang accomplishments mo.
***
Words for the day: Keep calm and let karma finish it.