Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagtatalunan na ang mga trapo

00 pulis joeyHABANG papalapit ang filing ng candidacy, nagtatalunan na rin ang mga trapo (traditional politician) mula sa kanilang mahinang partido tungo sa kampo na may winnable presidentiable.

Oo, matapos magdeklarang tatakbong presidente ang nangunguna sa survey na si Senadora Grace Poe, biglang nagtalunan sa kanyang kampo ang mga trapo mula sa mahihinang partido.

Bagama’t walang sariling partido si Poe, at matatandaan na kinupkop siya ng Team PNoy ng Liberal Party noong 2013, dinadala naman siya ngayon ng halos tatlong partido. Ito ang Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition at grupo ng mga militanteng mambabatas.

Ang ilang trapo sa LP at maging sa UNA ni VP Binay ay sumisilip-silip din at nakikiramdam… tila gusto nang mag-join sa Poe-Escudero (Chiz) tandem.

Tiyak bago ang filing ng candidacy sa Oktubre 12-16, malalaman na natin kung sino ang political prostitutes. Sila ‘yung mga politiko na walang prinsipyo at paninindigan at ayaw maalis sa kapangyarihan. Kaya kung sino ang winnable presidentiable, doon sila didikit! Pwe!!!

Malaking hukay sa Dasmariñas, Binondo sanhi ng trapik!

– Mr. Joey Venancio, reklamo ko po itong malaking hukay dyan sa may Dasmariñas st., Binondo, Manila. Dahil umaga palang nagbibigay na ng grabeng trapik. Sana naman po maaksiyunan kaagad ng DPWH yan. -Concerned citizen

Ilang buwan na nga ang hukay na ‘yan d’yan, hindi pa rin natatapos. Dapat pag hinukay, 24 oras gagawin para tapos agad. Dapat kumilos rito ang local goverment. Pukpokin ang DPWH para ipatapos na sa kontraktor ang project na ‘yan. Bwisit!

Bakit wala ang slogan ng PNP na To Serve and Protect You?

– Boss Joey, may napansin lang ako sa mga presinto at patrol car na nakikita ko. Wala na yata nakalagay na To Serve and Protect You? At sa presinto wala na rin ang slogan na Pulis Malinis. Baka inalis na? Kasi di naman totoo lahat ‘yun. Alam nila ‘yun kaya inalis na nila. Mabuti naman at napagtanto nila na hindi bagay ang mga katagang ‘yun sa kanila. Inamin… Hahaha… Juan ng Tondo

Kahit sa daan nag-aabutan ng droga sa Binangonan, Rizal

– Sir, report ko po rito sa barangay namin. Grabe na po ang droga rito. Mga kabataan nalululong na sa pagsa-shabu. Wala po kasing aksiyon ang mga opisyales namin dito sa Barangay Calumpang, Binangonan, Rizal. Kahit ho pulis balewala na. Gusto ko ho malinis sa droga ang barangay namin. Kasi kahit sa daan nag-aabutan. Nawa ay maaksiyonan na ito. – Concerned Citizen

MMDA bulag sa violations ng mga jeepney kaya nagkakatrapik

– Sir Joey, sana po mapansin ng mga MMDA ‘yung mga jeepney sa Muñoz-EDSA na kahit may nakalagay na “No U-Turn”  binabalewala nila ‘yung sign kaya nagkakaroon ng trapik Monday to Friday. Hindi kasi hinuhuli ng mga MMDA. Thanks po. – 09499669…

Aabutin ng dekada ang kaso ni Napoles…

– Boss, kahit mahatulan pang makulong habambuhay si Janet Napoles, sa hawak niyang mahigit sa bilyong piso, aabutin nang maraming taon at wala na sa puwesto ang mga politiko na sangkot sa port scam. Wanna bet? Sample ang kaso ng mga Ampatuan. Malamang na aabutin ng dekada ‘yan. – 09098711…

Totoo ito. Malamang na dekada nga bago madesisyonan ang kaso ni Napoles. Pero ang mahalaga rito ay nakakulong siya at naka-freeze ang kayamanan niya. Para na rin siyang nahatulan. Kasi wala naman death penalty sa ating bansa kundi kulong for life lang.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …