Friday , December 27 2024

Kakandidatong senador si Tolentino? Olat na ‘yan!

00 pulis joeyKUNG tatakbong senador sa darating na eleksyon si MMDA Chairman Francis Tolentino, makabubuti na huwag na niyang ituloy. Masasayang lang ang kanyang pagod at pera. Hindi siya mananalo!!!

Oo, sa galit na nararamdaman ngayon ng mga tao sa grabeng trapik sa Metro Manila, tiyak mabobokya siya sa mga botante.

Ang Metro Manila ang may pinakamalaking bulto ng boto na kayang magpapanalo at magpatalo sa isang kandidato.

Isipin n’yo naman, mga igan, habang bumper to bumper ang trapik sa Kamaynilaan, si Tolentino ay nasa mga probinsiya at ‘nangangampanya’ gayong hindi pa naman nagsisimula ang ­campaign period at sa Oktubre pa nga ang filing ng candidacy. Anong klaseng opisyal ng gobyerno ‘yan? Tapos gusto pang maging senador? Hindi namin siya iboboto. Kayo? Iboboto n’yo ba si Tolentino?

Pero in fairness kay Tolentino, nang bago pa lamang siya sa MMDA ay maganda ang kanyang performance pero nang tumagal ay naging pabaya na. Naging worst… lalo nang nagplanong tumakbong senador, tuluyan na niyang napabayaan ang kanyang trabaho dahil panay na ang kanyang ikot sa mga lalawigan gamit pa ang mga sasakyan at tauhan ng MMDA. Shit!

Makabubuti kay Tolentino na huwag na siyang tumakbong senador. Matatalo lang siya, tiyak! Much better na bumalik nalang siyang mayor ng Tagaytay City. Baka manalo pa siya…

Letseng traffic czar… kaasar!

‘Wag sisihin si PNoy sa trapik

– Mr. Joey, bakit sisihin ang ating Presidente sa heavy traffic ng Metro Manila? Siya ba ang may pakana o incharge sa mga daan doon? Mga gago o gaga at walang pinag-aralan ang nag-text sayo. Binabastos na nila ang ating presidente o ang ating administration sa pamamagitan ng iyong column dated Sept. 10, 2015. – ­Concerned ctizen ng Cadiz Cityu, Negross Occ.

Hindi natin masisisi ang taumbayan na magalit sa ating pinaka-tatay. Nagsusumbong lang naman sila. Ikaw ba naman ang makaranas ng grabeng trapik araw-araw sa iyong pagpasok sa trabaho at pag-uwi sa bahay kung hindi uminit ang ulo mo? Tapos mababalitaan mo ang pinaka-hepe ng trapik ay nasa mga probinsiya pala at nangangampanya na. Aba’y mapapa-‘yawa’ ka talaga!

Makabubuti na alisin na ni PNoy si MMDA Chairman Francis Tolentino at magtalaga ng hindi politiko na may political will. Ilagay n’ya kaya diyan si retired police Supt. Rey Nava ng dating MPD Traffic. Yes!

Si Manny Villar ang dapat maging Presidente

– Sir, good day! Opinyon ko lang po: Dapat si Manny Villar ang maging Presidente natin dahil nasa kanya ang lahat ng katangiang wala kina Binay, Marcos at Roxas. At lahat ng empleyado ng gobyerbo tanggalin ‘pag abusado sa tungkulin. Salamat po. – Edwin ng Imus, cavite, 09480556…

Ibalik ang bitay sa mga corrupt!

– Sir Joey, noong Martial Law ni Marcos, hanggang mayor lang umaabot ang korupsiyon. Ngayon, kahit sa barangay tanod ay may katiwalian na. Bakit hindi gumagawa ang mga mambabatas ng bitay na parusa (sa mga korap)? – 09103949…

Noong panahon ni late ex-President Ferdinand Marcos, walang manakaw ang barangay officials dahil wala namang honoraria at budget ang barangay noon. Ngayon ay milyones ang budget ng barangay, kaya natuto nang magnakaw ang opisyales. At noong panahon ni Marcos, ang sinumang gov’t official na corrupt ay ipinakukulong. Ayaw kasi ni Marcos nang may kakompetensiya. Malabong gagawa ng batas sa bitay ang mambabatas, aba’y sila ang mabibitay. Hehehe…

Grabeng trapik at daming holdaper sa Road 10 mula Harbour Center  (Tondo, Manila)

– Sir!, gud day po. Sobra na po ang trapik sa Manila Harbour Center sa kahabaan ng Road 10, Tondo, Manila. Ang dami pang holdaper sa kalsada, nang-aakyat ng trak. At ang daming siga na puwersahang nanghihingi ng pera sa mga motorista. – Eric, truck driver Totoo ito. Grabe na nga ang trapik ngayon araw-araw along Road 10. Dapat pang holdaper. Dapat may police visibility sa lugar na ito. Paging MPD Dir. Nana. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *