Kinalap ni Tracy Cabrera
SA sinaunang kabayanan sa southern Egypt sa tabing-ilog ng Nile river, may ilang kababaihan ang nagkalakas loob para magsalita ukol sa tradisyong dati’y hindi kailan man pinag-uusapan—ang FMG, o female genital mutilation.
Laganap ang FMG sa bansang Ehipto, at sinasabing 90 porsyento rito ng mga babae ay sumailalim nang sapilitan sa napakasakit na procedure, na kung tawagin ay ‘female circumcision’— isinasagawa ito sa paniniwalang ang pagputol sa clitoris ng isang babae ay makababawas sa kanyang hilig sa sex, at ayon sa United Nations (UN), laganap ito sa 29 na bansa sa Africa at Gitnang Silangan (Middle East).
Noong 2008, isinabatas ng pamahalaan ng Ehipto ang FMG bilang isang krimen at idineklara rin ng mga pinuno ng relihiyon ang panganib sa tradisyon na wala naman umanong espirituwal na justification.
Gayon pa man, laganap pa rin daw ito, ayon sa mga rights advocates.
Sa isang kaso, namatay ang 13-anyos na si Sohair el-Batea matapos sumailalim sa procedure na isinagawa ni Dr. Raslan Fadl, sa Aga town sa Dakahliya, 120 kilometro (75 milya) ang layo sa hilagang-silangan ng lungsod ng Cairo.