Wednesday , November 6 2024

Kailangan ba talaga ng Customs ng surveyors?

ANO itong nalaman ko na determinado si Bureau of Customs (BoC) Commissioner John Philip “Sunny” Sevilla na magpatupad ng bagong scheme na magreresulta ng dagdag-gastos at abala sa mga importer?

Ayon sa aking mga espiya sa Customs, binabalak na kuhanin ang serbisyo ng mga surveyor upang mag-inspeksiyon sa mga kargamento ng iba’t ibang produkto sa port of origin bago pa ito ibiyahe sa ating bansa.

Bagamat nasa drawing board pa, ang pre-loading survey, ayon sa mga source, ang tutukoy sa klase at dami ng commodities na ibibiyahe sa Pilipinas. Hindi saklaw ng serbisyo ang valuation.

Ang serbisyo ay karagdagang parusa sa mga importer dahil ipababahala ng BoC sa kanila ang gastusin dito, na aabutin ng $20 hanggang $50 kada container.

Lima hanggang anim na surveyor ang itatalaga para magsagawa ng pre-shipment inspection sa port of departure. Lima sa mga ito ay ang sikat na Société Générale de Surveillance (SGS), Inspectorate, Bureau Veritas, Cotecna, at Intertek. Ang ikaanim, ang Admiral, ay napaulat na magre-renew ng kontrata.

Bagamat sinasaluduhan ng kolum na ito ang plano ni Sevilla bilang pagsisikap na maibsan ang korupsiyon at smuggling, ang pag-obliga sa mga importer na bayaran ang serbisyo ng surveyor ay para na ring pagsasabi na ang mga service company na ito ay employed mismo ng mga importer, at hindi ng BoC. Hindi man masasabi sa ngayon na ang mga surveyor na ito ay may posibilidad sa korupsiyon, maaaring maabuso ang ganitong arrangement.

Ang malala pa, mistulang tinatraydor ng scheme na ito ang pagdududa ng gobyerno sa sarili nitong sistema laban sa smuggling.

Wala na bang kakayahan ang BoC na resolbahin ang sarili nitong mga problema kaya kinailangan pa ang isang pribadong third-party entity para gawin ang trabaho nito?

Tsk tsk tsk!

Kung ganyan ‘e mas mabuti na ang mga dayuhan na ang magpatakbo ng Bureau of Customs.

Sa mata kasi ng publiko, hindi ito magandang tingnan.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *