Saturday , December 20 2025

TimeLine Layout

February, 2017

  • 6 February

    Peace talks ituloy kahit nagbabakbakan — Bayan

    ITULOY ang peace talks habang nagbabakbakan. Ito ang panawagan ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kahapon, sa administrasyon at sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), makaraan tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ang peace talks. Ang pasya ni Duterte na kanselahin ang peace talks ay makaraan kanselahin ang unilateral ceasefire, na idineklara ng pamahalaan noong Agosto 2016. …

    Read More »
  • 6 February

    Lider komunista ‘di ipaaaresto — Palasyo

    Duterte CPP-NPA-NDF

    INILINAW ng Malacañang, hindi ipadarakip muli ang pinakawalan nang mga lider ng National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army (NDF-CPP-NPA). Ito ay ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag, sa kabila nang kautusan na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, na ipadakip sa mga awtoridad ang mga lider ng komunistang grupo. Sinabi ni Banaag, …

    Read More »
  • 6 February

    LTFRB nakahanda sa tigil-pasada

    ltfrb traffic

    NAKAHANDA ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa transport strike ngayong araw, Lunes, sa kalakhang Maynila. Ayon sa LTFRB, 5,000 personnel mula sa iba’t ibat ahensiya, ang naka-deploy para tiyakin na hindi maabala ang commuters, at hindi ma-stranded. Magde-deploy ng mga pribadong bus, government vehicles, at maging mga motorsiklo para pagsilbihan ang commuters. Pahayag ng LTFRB, …

    Read More »
  • 6 February

    Fire victim sa Japanese factory pumanaw na

    fire dead

    PUMANAW na ang isa sa mga biktima ng sunog, sa isang Japanese factory sa loob ng Cavite Export Processing Zone, kamakalawa ng gabi. Ito ang kinompirma ni Cavite Governor Boying Remulla kahapon. Kinilala ni Remulla ang pumanaw na biktimang si Jerome Sisnaet, empleyado ng House Teachnology Industries (HTI), dumanas ng severe burns. Pahayag ng gobernador, bandang 11:28 pm nang pumanaw …

    Read More »
  • 6 February

    Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol

    dead gun

    PATAY ang isang tindera makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, ngunit namatay rin ang isa sa mga suspek, nang habulin ng live-in partner ng biktima at binundol, sa Marilao, Bulacan, kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, nagbubukas pa lamang ng tiangge si Ma. Luz Guirao, nang lapitan ng isang armadong lalaki, at pinagbabaril sa Ruby St., Villa Consuelo Subdivision, Brgy. Abangan Sur, …

    Read More »
  • 6 February

    Misis ginahasa ng bayaw sa harap ng 2 anak

    rape

    TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa sa kanyang hipag, sa harap ng dalawang menor de edad ni-yang anak, sa Minalabac, Camarines Sur. Ikinuwento sa mga pulis ni ‘Jessa,’ 5-anyos, anak ng biktima, ang panggagahasa ng kanyang tito sa kanyang inang si ‘Ma-ria.’ Ayon sa bata, hindi pa umuuwi ang kanyang ama nang pumasok ang kanyang tito, sa kanilang …

    Read More »
  • 6 February

    AFP, PNP heightened alert vs NPA attacks

    KAPWA isinailalim sa heightened alert status ang mga puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police (PNP), kasunod nang pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unilateral ceasefire, at ang pagkansela sa government peace talks sa NDF. Mahigpit na pinatututukan nina AFP chief of staff, General Eduardo Año, at PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa sa …

    Read More »
  • 6 February

    NCRPO full alert sa Metro Manila

    KINOMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, isinailalim sa “high security threat” ang kalakhang Maynila. Ito’y kasunod sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ipinatupad na unilateral ceasefire sa komunistang grupo. Ayon kay Albayalde, mataas ang threat alert sa Metro Manila, kung kaya kailangan nilang itaas ang alert status. “We are in full alert status. …

    Read More »
  • 6 February

    Bomb threat sa malls hoax – PNP

    TINIYAK ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang dapat ipag-alala ang publiko, kaugnay sa kumakalat na bomb threat, lalo na sa malls. Ayon kay NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, walang ebidensiya o impormasyon silang nakukuha, kaugnay sa nilalaman ng isang dokumento, kumakalat ngayon sa social networking sites, nagsasabing nagbabanta ang bandidong Abu Sayyaf na magpasabog sa malls. …

    Read More »
  • 6 February

    India gov’t kakausapin ni Digong (Hinggil sa 5-6 lenders)

    NAIS kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamahalaan ng India kaugnay sa isyu ng 5-6 lending operation sa bansa, karamihan sa sinasabing nagpapautang ay Indian nationals. Aniya, nais niyang maging tapat, at prangkahan ang diskusyon sa mga opisyal ng India. Sinabi ng Pangulo, sa ngayon plano ng pamahalaan, magbigay ng P1 bilyon pondo kada rehiyon ng bansa, puwedeng ipautang bilang …

    Read More »