IPINADLAK ang sampung bus terminal sa kahabaan ng EDSA, Quezon City kahapon, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kaugnay sa hindi pagsunod sa panuntunan ng ahensiya at paglabag sa regulasyon ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod. Nanguna sa operasyon si MMDA Chairman Danny Lim, katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Quezon City BPLO …
Read More »TimeLine Layout
August, 2017
-
18 August
Pulis patay sa anti-drug ops sa Cebu (Nasa drug list ni Digong)
TALISAY CITY – Patay ang isang pulis at kanyang misis sa anti-illegal drugs operation sa Brgy. Pooc, Talisay City, Cebu, nitong Martes. Si PO3 Ryan Quiamco ay nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente, habang ang misis niyang si Rizalyn, ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital. Ayon sa pulisya, ang transaksiyon ay dapat maganap sa South Road Properties, ngunit biglang nagpaputok …
Read More » -
18 August
Pagpapasara sa MMDA Worker’s Inn pinalagan
NAGKAROON ng tensiyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Workers Inn o Gwapotel sa Bonifacio Drive, Maynila makaraan puwersahang palabasin at paalisin ang mga nanunuluyan at mga concessionaire roon. Nabigla sila nang isara ng mga security guard ang inn at ipaskil ang notice na sarado na ito dahil sa safety pre-caution. Umalma ang mga naninirahan dito lalo’t ito lamang ang …
Read More » -
18 August
Drug store lumabag sa Senior Citizen Act
INAMIN ni Atty. Teresa Mikaela Macaspac ang legal services officer ng kompanyang Mercury Drug, na kanilang ipinapasa sa drug manufacturers ang mga diskuwento ng bawat customer nilang senior citizen, na maituturing na paglabag sa isang probisyon ng Senior Citizens Act. Ang pag-amin ay ginawa ni Macaspac sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan …
Read More » -
18 August
27 dalagita nasagip, 4 bugaw kalaboso (Sa bar sa Maynila)
NASAGIP ng pulisya ang 27 menor-de-edad mula sa dalawang KTV bar sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat, sinalakay ng police Anti-Human Trafficking Division ang mga naturang lugar dahil sa impormasyong sangkot sa flesh trade. Ayon sa isang dayuhan, ibinibenta rito ang mga babae sa mga parokyanong dayuhan o negosyanteng Filipino sa halagang P2,000 hanggang P3,000. Umaabot …
Read More » -
18 August
Babaeng kagawad ng Tondo utas sa ambush sa Valenzuela
PATAY ang isang babaeng barangay kagawad ng Tondo, Maynila, habang sugatan ang dalawa niyang kasama makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang riding-in-tandem sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa ospital si Kagawad Mildred Cabal, 45, residente sa Fermin Tubera St., Brgy. 254, Tondo, Maynila, habang ang kanyang driver na si Aurelio Enriquez, 47, taga-Bambang St., Sta. …
Read More » -
18 August
Richard Gutierrez sinampahan ng kasong perjury, falsification ng BIR
SINAMPAHAN ng mga kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang aktor na si Richard Gutierrez nitong Miyerkoles kaugnay ng kanyang umano’y pag-iwas sa pagbabayad ng buwis. Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ), nagsampa ang BIR laban kay Gutierrez ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, …
Read More » -
18 August
Babala ni Duterte sa AFP at PNP: Maging handa vs NPA
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar sa pagiging aktibong muli ng New People’s Army (NPA). Ayon sa Pangulo, kailangan baguhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang doktrina bilang paghahanda kontra mga rebelde. “Be careful with the NPAs also. They are very active,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon. “Sabi …
Read More » -
18 August
25 patay sa 24-oras anti-crime ops sa Maynila (Bulacan ‘di titigil sa operasyon kontra droga)
UMABOT sa 25 katao ang napatay sa magkakahiwalay na anti-crime raids sa Maynila nitong Huwebes, halos 24 oras makaraan ang anti-drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 32 katao sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Sinabi ni Supt. Erwin Margarejo, Manila Police District spokesman, nagsagawa ang mga pulis ng 18 operasyon sa Maynila na nagresulta sa …
Read More » -
18 August
Shoot-to-kill sa narco-cops (P2-M reward sa tipster); Kahit kaalyado ‘di patatawarin
DALAWANG milyong pisong pabuya ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino man ang makapagbibigay ng impormasyon sa aktibidad ng pulis na sangkot sa droga. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon, P2 milyon ang patong sa ulo ng bawat narco-policeman at kapag nakompirma ang impormasyon kaugnay sa illegal activities niya ay bigla na lang …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com