Saturday , December 20 2025

Classic Layout

Marian at Direk Louie, nag-away?

TOTOO ba na nag-away                 sina Marian Rivera at Direk Louie Ignacio kaya hindi na siya ang nagdirehe ng season 2 ng Marian? “Marami nga akong naririnig na ganyan, hindi totoo. Kasi noong una sinekreto nila na  may second season. Ganoon naman sa TV, ‘di ba, o, ‘wag kayong maingay baka mag-second season. Eh, ‘yung buhay ko nakaplano for one …

Read More »

Tigil-pasada ikinasa ng piston (Protesta sa malaking multa)

KASADO na ang malawakang kilos-protesta at tigil-pasada ng mga pampasaherong jeepney, tricycle, UV Express Service at taxi ngayong Lunes. Ayon sa PISTON, ito’y bilang pagtutol nila sa Joint Administrative Order (JAO) ng Department of Transportation and Communications (DoTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nagpapataw nang mas malaking multa sa ko-lorum na mga …

Read More »

DOT, PBA magtutulungan para sa turismo

NAKAKUHA ang Department of Tourism ng tulong mula sa Philippine Basketball Association upang i-promote ang programang ‘Visit The Philippines Year 2015’. Ito’y naging resulta ng pulong nina PBA board chairman Patrick “Pato” Gregorio at Tourism undersecretary Domingo ‘Chiko’ Enerio noong Biyernes. Sinabi ni Gregorio na gagamitin ng DOT ang PBA bilang isa sa mga pangunahing tourist attractions ng nasabing departamento. …

Read More »

Dagdag-pulis sa 8 lugar na tadtad ng krimen

INIUTOS ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang pagtatalaga ng karagdagang pulis sa walong lugar sa Metro Manila na may mataas na crime rate. Inatasan ng kalihim si NCRPO Director Carmelo Valmoria na magdagdag ng 1,300 pulissa Masambong Area sa Quezon City; Sampaloc sa Maynila; Pasig City, at Mandalu-yong City. Sinabi ng DILG chief, dapat …

Read More »

Dalagita nalunod sa dam

BACOLOD CITY – Hindi na umabot nang buhay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang isang 19-anyos dalagita na nalunod sa Murcia, Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Cheeney Esmeralda, ng Brgy. Damsite, sa nasabing bayan. Naligo sa dam ang biktimang hindi marunong lumangoy at nang mapadako sa malalim na bahagi, bumulusok siya at naging dahilan ng kanyang …

Read More »

Alerto nakatodo sa Undas – PNP

ILALAGAY sa pinakamataas na alerto ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa sa panahon ng paggunita ng Todo Los Santos. Iniulat ni PNP chief Director General Alan Purisma, inatasan na niya ang regional police offices sa buong bansa na magpatupad ng security measures kasabay nang pagtataas nila sa full alert status. Kabilang sa mga gagawing hakbang …

Read More »

Street sweeper utas sa kinuhang kanin at ulam

DAHIL sa kanin at ulam, napatay ng isang 40-anyos park attendant ang isang 53-anyos street sweeper sa Luneta Park, Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi. Sumuko sa Manila Police District Station 5 ang suspek na si Eduardo de los Reyes, Jr., alyas Dayo, tubong Western Samar. Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Lorna …

Read More »

Presidential guard nagbaril

NAGBARIL sa sarili ang isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) dahil sa matinding selos sa kanyang ka-live-in sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang na si Corporal Prince Wilfred Gerona. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakipag-inoman si Gerona sa kanyang live-in partner at isang babaeng kaibigan sa inuupahang apartment sa nabanggit na …

Read More »

‘Jenny’ pinahirapan bago pinatay – lawyer

PINAHIRAPAN bago pinatay si Jeffrey Laude alyas Jennifer, natagpuang wala nang buhay sa isang lodge sa Olongapo City makaraan pumasok doon kasama si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton. Ito ang naging paglalarawan ni Atty. Harry Roque sa pinagdaanan ng transgender batay mismo sa labi ng biktima. Una rito, lumabas sa medico legal examination sa bangkay ni Laude na asphyxia …

Read More »

Roxas kay Binay: “Tama na ang pasikot-sikot at palusot!”

SA HULING survey ng Social Weather Station (SWS), halos 79 porsiyento o 8 sa 10 Filipino ang naghahangad na humarap si Vice President Jejomar Binay sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at sagutin ang mga paratang sa kanya na korupsiyon. Dahil dito, hinamon si Binay kahapon ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas III na tumugon sa …

Read More »