Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Napoles ikanta mo sa Senado — Miriam (19 senador sa pork scam?)

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sa Senado ‘kumanta’ si Janet Lim Napoles ngayong lumutang na ang balita na umabot sa 19 senador ang sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam o anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kasunod ito ng kompirmasyon ng Department of Justice (DoJ) na lumagda sa affidavits si Napoles at isiniwalat ang kanyang mga …

Read More »

Napoles tinanggalan ng matres, 2 obaryo

NAGING matagumpay ang isinagawang operasyon kay Janet Lim-Napoles kahapon ng umaga. Sinabi ni Dr. Efren Domingo, obstetrician-gynecologist na nagsagawa ng operasyon kay Napoles, tumagal ng dalawang oras ang operasyon. Dakong 8 a.m. nang operahan ang tinaguriang pork barrel scam queen at natapos ng 10 a.m. Ayon kay Domingo, kanilang tinanggal ang buong matres at dalawang obaryo ni Napoles. Nagrerekober na …

Read More »

Almendras isinugo ni PNoy sa HK (Para sa hostage crisis closure)

ISINUGO ni Pangulong Benigno Aquino III si Cabinet Secretary Rene Almendras sa Hong Kong kamakalawa ng gabi upang masungkit ang inaasam na “closure” sa isyu ng 2010 Luneta hostage crisis. “Wala akong konkretong impormasyon hinggil sa itinerary ni Secretary Almendras. Ang batid ko lang at batid din natin, siya ang inatasan ng ating Pangulo na maging point person sa bagay …

Read More »

51-anyos Pinay nurse pinatay ng 24-anyos Kanong BF

BINARIL at napatay ang 51-anyos Filipina nurse ng kanyang 24-anyos boyfriend nitong Linggo sa Clearwater, Florida. Si Josephine Austria ay nagdiriwang ng birthday party sa kanilang bahay nang barilin ng kanyang boyfriend na si Alexander Richardson, dakong 1 a.m. Ayon sa pulisya, si Austria ay idineklarang dead on arrival sa ospital. Si Richardson ay inaresto sa kasong second degree murder. …

Read More »

13 Pinay 6 dayuhan ‘sex workers’ nasagip

NAILIGTAS ng pinagsanib na pwersa  ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 19 guest relations officer (GRO) kabilang ang anim na dayuhan, na hinihinalang nagbebenta ng aliw sa isang club sa Pasay City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Pasay City Police,  sinalakay ng NBI, Anti-Trafficking Division at DSWD  ang Starwood …

Read More »

Pulis-NPD kulong sa holdap

ARESTADO sa Traffic Enforcement Unit ng Maynila ang tauhan ng Philippine National Police nang kanilang holdapin ang mag-asawang negos-yante sa Roxas Boulevard, Maynila, iniulat kahapon. Kinilala ang suspek na si  PO2 Argel Nabor, 27, ng 317 Mabini St.,   Sampaloc, Maynila, nakatalaga sa Northern Police District (NPD). Sa ulat, nakatakas ang sinasabing tatlong kasama ni Nabor at tinutugis ngayon ng mga …

Read More »

Sanggol, paslit tostado sa sunog

DAGUPAN CITY – Patay ang magkapatid na sanggol at paslit nang masunog ang kanilang bahay sa bayan ng Villasis sa Pangasinan. Ayon kay PO3 Gilbert Paganit ng Villasis-Philippine National Police, magkahawak pa ang kamay ng magka-patid na sina Anthony Canibas, Jr., 4-anyos, at Mark Laurence Canibas, isang taon gulang, nang matagpuan ng mga miyembro ng Bureu of Fire Protection (BFP) …

Read More »

Titser na bading binoga ng taxi driver (Nanghipo ng ari)

ILOILO CITY – Sugatan ang bading na guro makaraan barilin ng taxi driver sa Brgy. Salngan, Oton, Iloilo, dahil sa panghihipo ng ari. Ang biktimang si Marcos Valencia, 48, residente ng Brgy. Trapiche, Oton at nagtuturo sa Oton National High School, ay tinamaan ng bala sa kamay, leeg at katawan ngunit hindi naman napuruhan. Habang agad naaresto ang driver na …

Read More »

DPWH Driver Itinumba

PATAY ang 56-anyos driver nang barilin ng hindi nakilalang suspek, habang nakaupo sa loob  ng kanilang bahay, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon. Binawian ng buhay bago idating sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jose Jarabece, may asawa, driver, ng I A-5 Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area, sanhi ng tama ng bala ng baril sa noo. Sa …

Read More »

Bisita sa kasalan utas sa boga ni tserman

SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaghahanap ng pulisya ang punong barangay na pumaslang sa isang lalaki habang nasa kasagsagan ng kasayahan ng kasalan sa Brgy. Baracbac Este sa bayan ng Balaoan, La Union. Ang suspek ay kinilalang si Barangay Baracbac Este Chairman Elmer Ordanza. Ayon sa Balaoan Municipal Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktimang …

Read More »