Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Facebook nag-sorry sa baliktad na PH flag

AGAD humingi ng paumanhin ang social networking service na Facebook kaugnay sa nakabaliktad na watawat ng Filipinas, ang kulay pula ang nasa itaas at asul ang sa ilalim, sa Independence Day greeting nila kahapon. Sa statement na inilabas ng social media giant, sinabi nitong hindi nila sinasadya ang pagkakamaling nangyari. Malaki raw ang kanilang pagpapahalaga sa taong-bayan ng Filipinas na …

Read More »

Tunay na Kalayaan

ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakuhan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Ngayon ay ginugunita ng pamahalaan ang ika-118 taon ng Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Subalit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang …

Read More »

Bebot pinalakol ni bayaw, patay

NAGA CITY – Patay ang isang babae makaraan palakulin ng kanyang bayaw sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Vevencia Borasca, nasa hustong gulang. Ayon sa ulat ng pulisya, biglang pinalakol ng suspek na si Efren Cariño ang biktima pati na rin ang kanyang sariling kapatid na si Ruel Cariño. Hindi pa matukoy ng mga …

Read More »

Police asset pinugutan sa Rizal

NATAGPUANG pugot ang ulo ng isang 25-anyos tricycle driver na sinasabing asset ng pulis, sa masukal na bahagi ng Brgy. Calumpang, Binangonan, Rizal. Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Adriano Enong Jr., Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Mark James Nadora, 25, nakatira sa Katipunan St., Brgy. Calumpang ng nabanggit na bayan. Sa naantalang ulat ng mga …

Read More »

50 timbog sa Oplan Galugad sa QC

UMABOT sa 50 indibidwal ang nahuli nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga opisyal ng barangay sa isinagawang Oplan Galugad sa Payatas, Quezon City nitong Sabado ng gabi. Tatlumpo sa mga dinampot ay pawang menor de edad na lumabag sa ordinansa ng curfew. Sinuyod ng 120 pulis at tanod ang mga eskinita sa Payatas, bukod sa mga menor de …

Read More »

Duterte ‘No Show’ sa Independence Day sa Davao

NABIGO ang mga nag-abang kay President-elect Rodrigo Duterte sa aktibidad ng 118th Independence Day celebration sa Davao City, na siya ang kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde. Ngunit ayon sa kampo ni Duterte, hindi naman talaga dumadalo sa ganitong event ang incoming president, kahit noong nakaraang mga taon. Sa kabila nito, natuloy pa rin ang aktibidad sa Davao.

Read More »

PNoy nanguna sa kanyang last Independence Day

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdiriwang sa 118th Independence Day sa Luneta Park, Ermita, Maynila kahapon. Kasama ng pangulo sa pagdiriwang sina Executive Secretary Paquito “Jojo’ Ochoa, Defense Sec. Voltaire Gazmin, acting AFP Chief Gen. Glorioso Miranda, DepEd Sec. Armin Luistro at Foreign Affairs Sec. Rene Almendras. Dumating din sina outgoing Vice President Jejomar “Jojo” Binay at Manila …

Read More »

Mag-ingat laban sa abo ng Mt. Bulusan – DoH

NAGA CITY – Bagama’t tahimik nang muli ang Bulkang Bulusan makaraan ang phreatic erruption noong nakaraang araw, patuloy pa ring pinag-iingat ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)-Bicol ang mga residente malapit sa bulkan. Sa magdamag ay wala nang naitalang volcanic quakes sa loob ng naturang bulkan. Ayon kay Dr. Ed Laguerta, Regional Director ng Phivolcs-Bicol, nasa karakter …

Read More »

Bike rider utas sa truck

PATAY ang isang 50-anyos bike rider nang masagasaan ng 10 wheeler truck sa Pedro Gil Avenue sa Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Gil Garcia, nasa hustong gulang, habang arestado ang suspek na si Editho Paulin, truck driver. Sa pahayag ng suspek, nag-counter flow ang biktima at pagkaraan ay nakarinig siya nang malakas na kalabog sa gilid ng …

Read More »

Hired killer arestado sa Laguna

ARESTADO ng pulisya ang isang ex-convict na hinihinalang gun-for-hire, sa operasyon ng mga awtoridad nitong Linggo sa Sta. Maria, Laguna. Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Steve Requitud, residente ng Brgy. Inayapan sa nasabing bayan. Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation Group (CIDG), ang suspek ay hinihinalang gun-for-hire. Tinangka ng suspek na dumampot ng Magnum .357 handgun …

Read More »