Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Ibinebentang bahay ni aktres minamadali, matagal na kasing ‘di nakababayad sa negosyanteng pinagkaka-utangan

blind item

KINUKUMBINSE ng kanyang mga kaibigan na murahan ng isang aktresang ibinebenta niyang bahay. Masyado raw kasing mataas ang presyo nito. Katwiran ng mga ito, malaking tulong ang agad na maibenta ang property ng aktres sa presyong kung tutuusi’y hindi siya lugi o dehado. Sa ngayon kasi’y napakatagal na palang hindi nababayaran ng aktres ang kanyang utang sa isang negosyanteng aabot …

Read More »

Aktres-politiko, makunat pa sa belekoy ang pagkakunat

HINDI naging-a la Santa Claus nitong nagdaang Pasko ang isang aktres-politiko, pero para sa mga reporter na nakakikilala sa kanya ay hindi na ‘yon kataka-taka. May record kasing makunat pa sa belekoy ang personalidad na ‘yon. Tandang-tanda pa ng isang beteranong manunulat nang minsang maimbitahan sila ng aktres sa tahanan nito sa labas ng Metro Manila. Sa malawak nitong hardin …

Read More »

Papa Jack, ‘di raw pumabor sa bagong timeslot kaya umexit sa Love Radio

NAKAUSAP namin ang isang taga-MBC at napag-alaman namin kung bakit bigla ang pagkawala ng paborito naming disc jockey na si Papa Jack sa kanyang programa sa Love Radio 90.7 FM. Base sa tsika, hindi raw pabor si Papa Jack sa gagawing paglipat sa kanya ng management sa daytime slot dahil nababagay ang tema ng  programa niya sa evening time slot. …

Read More »

Pelikula ni Matteo, sinuportahan ni Bato

HINDI alam ni Matteo Guidicelli kung matatawa siya o hindi nang pagsabihan siyang magbalik-Islam ng mga kapatid nating Muslim na kasama niya sa pelikulang Across The Cresent Moon. Mahinahon namang sinagot ng aktor ang mga kausap at sinabing gusto pa rin niyang manatiling Kristiyano na nirespeto naman ng mga kausap. Sa interbyu sa aktor, nasabi nitong marami siyang natutuhan tungkol …

Read More »

Neil, no comment sa break-up nila ni Bela

I heart you! Pa nga ba? Parang may nahinuha ang mga manonood ng TWBA (Tonight with Boy Abunda) kamakailan nang usisain ni Kuya Boy Abunda ang puso ni Bela Padilla, na leading lady ngayon ni Zanjoe Marudo sa My Dear Heart na pinagbibidahan ni Nayomi ‘Heart’ Ramos. Hindi kasi nakasagot agad si Bela sa naturang tanong. Nag-joke pa sa naging …

Read More »

Enchong, susubukin ang kakayahan sa pagganap bilang isang adik

DURUGISTA! Ano nga ba ang dinaraanan ng isang drug addict sa kanyang paglalakbay sa isang mapusok na desisyon sa buhay para hindi ito maalis-alis ng basta na lang? Iniatang ang isang mabigat na papel kay Enchong Dee ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na matutunghayan natin sa Sabado, Enero 28, sa Kapamilya, bilang ang drug addict na si Jeck. Sa sinaliksik …

Read More »

Baron, magbago na kaya sa pagpanaw ng kanyang ina?

DAHIL sa pagyao ng ina ni Baron Geisler (adoptive mom, that is) ay umaaasa ang publiko na magsilbing wake up call na raw ‘yon para ituwid na ng aktor ang kanyang buhay. Kung matatandaan, ang pinakahuling kontrobersiyang kinapalooban ni Baron ay ang kaso with Ping Medina. That time ay nasa ICU na at fighting for her dear life ang ina …

Read More »

Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA

BALITANG bumalik na (ang tanong, umalis ba?) si Kris Bernal sa GMA. Now, she’s cast in the network’s upcoming project. Kung matatandaan, kasabay ng pagkawala ng isa pang Kris (Aquino, this time) sa ABS-CBN ay usap-usapan ang paglipat ni Bernal sa naturang estasyon. How and why nga lang na hindi ‘yon na-consummate o natuloy ay hindi na naisapubliko. But the …

Read More »

Angel, ‘di na magagawa ang Darna?

HOY bakit naman kung ipinaputol na nga ni Angel Locsin ang kanyang mahabang buhok? Actually mas nagmukha siyang bata ngayong maikli na ang buhok niya. Bago iyan, nagkaroon nga kasi ng tsismis na nalulugas ang kanyang buhok dahil sa ginawang treatment ng isang hair clinic. Mukhang hindi siya hiyang doon sa nagamit na mga chemical siguro sa kanyang buhok. Kung …

Read More »

Career ni Kylie, posibleng maudlot dahil sa pagbubuntis

Kylie Padilla

HUWAG naman sanang mangyari ang sinasabi ng iba, pero may mga nagsasabing mukhang mauudlot na raw ang career ni Kylie Padilla ngayong sinasabing tatlong buwan na siyang buntis. Kung lalabas ngang ganoon, aba eh pinakamahaba na iyong isa o dalawang buwan at obligado na siyang magpahinga dahil sooner or later, lolobo na ang tiyan niya. Maaari pa ba siyang magsuot …

Read More »