NAGHAIN ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law sa Pasay City Prosecutor’s Office si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Senadora Risa Hontiveros sa Pasay City, kahapon ng umaga. Dumating si Aguirre sa Hall of Justice ng Pasay dakong 8:00 am upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4200 o Anti-Wire Tapping Law si Hontiveros. Nanumpa si …
Read More »Blog Layout
LP-Morales-Sereno, tactical alliance para pabagsakin si Duterte (Bistado ng Palasyo)
MAY tactical alliance ang Liberal Party, at sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para pabagsakin ang administrasyong Duterte, ayon sa Palasyo. “Maybe, in effect, that seems to be the implication,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa sinasabing sabwatang LP-Morales-Sereno na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Abella, naniniwala ang …
Read More »Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA
PINAGTIBAY ng Court of Appeals (C) ang arrest warrant na inisyu ng Que-zon City court laban kay Dalia Guerrero-Pastor kaugnay sa pagpatay sa kanyang mister, si international race car driver Ferdinand “Enzo” Pastor noong 2014. Sa resolusyon na may petsang 14 Setyembre, ibinasura ng CA Seventh Division ang apela ni Dalia na pigilan ang arrest warrant na inilabas ng Quezon …
Read More »10 armadong lalaki tinangkang pasukin si Sec. Lorenzana
NAPIGILAN ang sampung lalaki sa pagpasok sa Gate 6 ng Camp Agui-naldo makaraan makitang may mga baril, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, dinampot ang mga miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty bunsod nang ipinaiiral na election gun ban. Papunta umano sa opisina ni Defense Secretary …
Read More »Pastor, madalas kasama ni aktres, tagabayad pa ng condo
MADALAS daw na bisita ng isang pastor na born again ang isang female star. Madalas din silang makitang nagde-date, sa mga sikat na restaurants at bowling alleys. Sabi nga namin, baka naman humihingi lamang ng guidance ang female star sa pastor. Kung nagkakaligawan man, hindi naman masama dahil maaari namang mag-asawa ang mga pastor na born again. Pastor lang naman sila, hindi naman …
Read More »Joyce Peñas, kaya nang magbida
TUWANG-TUWA ang partner ng Golden Tiger Productions na si Joyce Peñas sa naging turnout ng premiere ng pelikula nilang New Generation Heroes ni Direk Anthony Hernandez. Maraming tao ang sumaksi. Maganda ang reviews na lumabas. Kasama sa cast ni Joyce sina Jao Mapa, Aiko Melendez, at Ms. Anita Linda. Dahil istorya ito ng iba’t ibang buhay at pagsubok ng mga …
Read More »Aiko, inireklamo ang kinatay na role; Direk Hernandez, pinanindigang si Aiko ang bida
SHOWING na ang pelikula! Pero teka lang. Pause muna tayo. May ipinaabot sa aking FB messenger ang bida ng New Generation Heroes na si Aiko Melendez para sa kanyang direktor. This is an open letter to Anthony Hernandez (Director of the World): “Forgive me if i had to post this letter online, because, Asian artist agency owned by my Manager …
Read More »Boy Abunda, gustong mag-ampon
MUNTIK na palang mag-ampon ng baby si Boy Abunda. Katunayan, inayos na nito ang adoption paper ng bata pero biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil umatras ang King of Talk. Inamin nitong gusto niya ang mga bata at mahal niya ang mga bata kaya lang napagtanto niyang malaki ang mababago sa kanyang life style lalo na at sobra siyang …
Read More »Ai Ai, ayaw maintriga kaya ‘di inimbita si Kris sa kanyang kasal
IMBITADO man o hindi ni Ai Ai delas Alas ang dating matalik na kaibigan sa bakuran ng ABS-CBN na si Kris Aquino, hindi isyu sa Comedy Queen at hindi natin siya masisisi lalo na ‘yung nakaaalam sa kuwento ng dalawa na ang Queen of All Media ang may pagkukulang. Oo nga’t nagkaayos ang dalawa, hindi na nanumbalik sa rati ang kanilang …
Read More »Debraliz at Anita Linda, lumutang ang galing sa New Generation Heroes
TAHIMIK na tahimik ang sinehan na seryosong nanonood ng drama sa pelikulang New Generation Heroes nang pumasok ang eksena ni Debraliz Valasote na gumanap na principal sa kanilang eskuwelahan. Kinakausap niya ang isang teacher na isinumbong sa kanyang may problema sa pagtuturo, at ang kanyang assistant. Palagay namin nag-adlib nang husto si Debraliz, dahil iba ang dating ng kanyang mga dialogue sa kabuuan …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com