Thursday , December 18 2025

Blog Layout

Parak kinasahan tulak todas sa buy bust (Sa Bustos, Bulacan)

dead gun

PATAY ang isang kilabot na tulak ng ilegal na droga matapos manlaban sa pulisya sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng madaling araw, 3 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, ang napatay na suspek na si Ramil Cruz, alyas Tamil Cruz, na kabilang sa PNP PDEA …

Read More »

Katapatan sa SALN kasamang ipinangako sa botante (PACC sa House leadership)

SUPORTADO ni Presidential Anti-Corruption Commission(PACC) Commissioner Greco Belgica ang naging hamon sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sa katuwirang una ang transparency at accountability sa mga ipinangako sa kanilang mga botante nang sila ay nangangampanya. Ayon kay Belgica, obligasyon ng mga mambabatas na …

Read More »

37,095 Pinoy workers napauwi na

UMABOT sa 37,095 Pinoy workers na apektado ng CoVid-19 pandemic ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong buwan ng Oktubre. Sa kabuuan ay nasa 237,363 overseas Filipino workers (OFWs) ang na-repatriate ng pamahalaan simula nang pumutok ang CoVid-19 pandemic, 77,326 (32.58%) dito ay sea-based habang 160,037 (67.42%) ay land-based. Sa ulat, 31,849 (85.86%) ay mula Middle East; 2,716 …

Read More »

Negosyante arestado sa droga

NAHULIHAN sa isang anti- criminality operation ang isang negosyante na dinakip ng mga awtoridad makaraan umanong mahulihan ng baril at hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P115,000 sa Taguig City, nitong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332,RA 10591 (Comprehensive of Firearm and Ammunitions Regulatory Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangeous Drugs Act of 2002) …

Read More »

Live-in partners timbog sa droga, baril, at facemask

lovers syota posas arrest

NABUKO ng mga awtoridad ang pagdadala ng baril, bomba at mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ng 29-anyos lalaki nang sitahin ng pulis kasama ang sinabing live-in partner sa paglabag dahil sa health protocols kamakalawa ng gabi sa Taguig City. Kinilala ni Taguig city police chief, Col. Celso Rodriguez, ang mga suspek na sina Hojieffee Esmael, alyas Faisal/Ipay, at Carmina …

Read More »

P1-M shabu kompiskado 3 drug suspects arestado

shabu

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit sa P1-milyon halaga ng shabu sa tatlong tulak ng droga kabilang ang No. 1 sa Top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela cities, kamalawa ng gabi. Ayon kay NPD Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 7:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation …

Read More »

Mangingisda, timbog sa shabu (Lumabag sa curfew)

Navotas

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang mangingisda matapos makuhaan ng shabu nang sitahin ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa paglabag sa curfew hours sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Maritime Police Station (MARPSTA) Major Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Arnel Alegue, 40 anyos, residente sa Isda St., Navotas Fish Port Complex (NFPC), …

Read More »

P50K sa bawat Centenarian inilaan ng Vale gov’t

Valenzuela

LAKING-TUWA ng mga kaanak ng 12 Centenarian na residente ng lungsod dahil full support ang Valenzuela city hall sa kanila upang mabigyan sila ng cash incentives kamakailan. Sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian ay namigay ang punong-lungsod ng halagang P50,000 para sa mga centenarian sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week. “The local government has been giving out cash incentives to …

Read More »

Walang ‘water hike’ sa 2021 — Manila Water

INIHAYAG ng opisyal ng Manila Water na hindi sila magpapatupad ng water hike sa taon 2021. Ayon kay Jeric Sevilla, Information Officer ng Manila Water, nagdesisyon sila na ipagpaliban ang dagdag-singil upang makatulong na maibsan ang paghihirap na nararanasan ng publiko dahil sa pandemya. Aniya, ang P2 ipatutupad sana nilang dagdag-singil sa susunod na taon ay hindi na matutuloy. “With …

Read More »

Buntot ng balyena sumagip sa tren

Kinalap ni Tracy Cabrera                       ISANG runaway metro train sa Holland ang nasagip sa kapahamakan makaraang bumangga ito sa isang stop barrier ngunit humantong sa higanteng eskultura ng buntot ng balyena para mapigilang lumaglag sa 10 metro ng tubig sa kanal — napatigil ang harapang bagon ng tren na nakabitin sa hangin habang nakatuntong sa buntot ng balyena. Walang pinsala o …

Read More »