Friday , December 19 2025

Blog Layout

Ngayong panahon ng taglamig kasabay ng ulan panatilihing katawan ay mainit

NGAYONG Disyembre bukod sa lamig na dulot ng panahon, sumasalit-salit pa ang hanging Amihan na may dalang ampiyas ng ulan. Kaya hindi kataka-taka na marami ang sinisipon at inuubo-ubo. ‘Yung iba nga ninerbiyos na baka tamaan sila ng coronavirus. Isa lang naman ang sinasabi natin kapag ganitong panahon: panatilihing mainit ang inyong mga katawan. Sa paanong paraan? Una sa pagpili …

Read More »

Helium tank sumabog paslit patay, 5 pa sugatan (Sa South Cotabato)

LPG Explosion

BINAWIAN ng buhay ang isang 10-anyos batang lalaki habang sugatan ang limang iba pa nang sumabog ang isang tangke ng helium gas sa bayan ng Norala, lalawigan ng South Cotabato, nitong Linggo, 27 Disyembre. Ayon kay P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Norala police, naganap ang insidente pasado 9:00 a, sa Purok Reloquemas, Barangay Poblacion, sa naturang bayan. Idineklarang dead on …

Read More »

Mag-utol na paslit nilamon ng apoy (Sa Araw ng Pasko)

fire sunog bombero

PATAY ang dalawang batang edad 3 anyos at 4 anyos nang masunog ang kanilang bahay noong araw ng Pasko, 25 Disyembre, sa bayan ng Tubod, lalawigan ng Lanao del Norte. Ayon kay P/Maj. Salman Saad, tagapagsalita ng Lanao del Norte police, ikinandado ng mga magulang ng magkapatid ang bahay at tanging kasama lang nila sa loob ay isang nakataling aso …

Read More »

Bulacan dams muling umapaw (Sa ulang dulot ng 2 LPA)

SINISI sa dalawang low pressure areas (LPA) na nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa dalawang dam sa lalawigan ng Bulacan. Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division Flood Forecasting and Warning Section, binuksan ang isang gate ng Angat Dam ng 0.5 metro (60cms) upang magpakawala ng tubig dakong 2:00 pm nitong Linggo, 27 …

Read More »

19 law breakers nalambat ng Bulacan police (Anti-Crime Operations sa Araw ng Pasko)

ARESTADO ang 19 kataong lumabag sa batas sa kampanya ng pulisya ng Bulacan laban sa krimen hanggang noong mismong araw ng Pasko, 25 Disyembre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, direktor ng Bulacan PPO, unang nasakote ang walo katao sa magkasanib na operasyon laban sa ilegal na sugal ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Balagtas …

Read More »

Ronda Rousey may ‘bf’ na

MASAYA sina Ronda Rousey at Dana White nang tanungin sa UFC  press conference kung nanana­tiling ‘single’ ang MMA legend. Sa nasabing presscon ay nagdesisyon ang isang sports columnist  na tanungin ang 33-year old former MMA superstar tungkol sa kanyang personal na buhay at ibig nitong malaman kung ano na nga ba ang status niya pagkatapos ng makulay na career. “Ronda, …

Read More »

San-En Neophoenix giba sa Akita

TUMUKOD ang huling remate ng San-En NeoPhoenix para makuha ng Akita Northern Happinets ang panalo 89-79 nitong Biyernes, Araw ng Pasko sa Filipinas,  sa pagpapatuloy ng 2020-21 B. League sa CAN Akita Arena. Sa huling quarter ng laban, lamang ng 14 puntos ang Akita.  Bumaba iyon sa anim na puntos  pero nagsilbing bombero si Alex Davis na agad pinatay ang …

Read More »

Panico KO kay Magomedaliev

SINIGURO ni Raimond Magomedaliev na ang magiging susunod niyang laban ay sa One welterweight world title challenger na. May pasakalye si Magomedaliev na tubong Russia nang gibain ang  walang talo at baguhang si Edson “Panico” Marques sa kanilang bakbakan sa One: Collision Course II, inirekord ang event mula Singapore at inere noong Biyernes, 25 Disyembre. Umentra ang Brazilian sa kontes na …

Read More »

3 bigtime pusher timbog sa P5.4-M shabu sa Pampanga

KALABOSO sa rehas na bakal ang tatlong bigtime pusher matapos malambat sa pinaigting na kampanya kontra droga ng PRO3-PNP nitong Sabado ng gabi, 26 Disyembre, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat ni P/Col. Rommel Batangan kay P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang mga suspek na sina Noraden Ariray, alyas Conan, 18 anyos; Roberto Carbungco, 51 anyos, parehong …

Read More »

Bakuna ng Intsik nakapuslit na sa PH market

HETO na naman ang ‘tono’ ng Department of Health na tila pagkahigpit-higpit sa kanilang patakaran na bawal daw ang bakuna kontra CoVid-19 na hindi dumaraan sa proseso. Sinabi ito ni Secretary Francisco Duque III sa Kapihan sa Manila Bay forum kaugnay ng mga kumakalat na balitang nakapasok na sa Philippine market ang bakunang gawa sa China — nakapasok umano nang …

Read More »