Sunday , December 21 2025

Rayver, gandang-ganda sa kasimplehan ni Janine

MULA nang aminin ni Rayver Cruz na nililigawan niya na si Janine Gutierrez, kabi-kabila ang natatanggap niyang pagbatikos mula sa kanyang bashers na karamihan ay tagahanga ng aktres at ng ex nitong si Elmo Magalona. Pero sa interview sa aktor ng Pep.ph, sinabi niyang hindi niya na lang iniintindi ang kanyang bashers, na hindi siya nagpapaapekto sa mga ito. “Okay …

Read More »

Aljur, dapat pagbutihin ang pag-arte

NOONG Lunes, July 31, opisyal na sinalubong si Aljur Abrenica ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes, Laurenti Dyogi, at Deo Endrinal. Ayon sa post ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, magkakaroon na ng show si Aljur sa Kapamilya Network at nailatag na rin ang iba pang programa para sa aktor. Pero, walang pinirmahang exclusive contract sa ABS-CBN …

Read More »

Quality Genre films, tampok sa Pista ng Pelikulang Pilipino

INILUNSAD noong Huwebes ng Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng chairman nitong si Liza Dino ang pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa Agosto 16-22. Labindalawang pelikula ang kalahok sa PPP na magsisimula na isang linggong mapapanood sa mga sinehan sa Metro Manila. Ang mala-fiestang tema ng PPP ay nagtatampok sa iba’t ibang klase ng …

Read More »

Zaijian, hirap sa role na mabait

NATAWA kami sa pag-amin ni Zaijian Jaranilla na nahihirapan siyang gumanap ng mabait na role. Naganap ang pag-amin ng binatang-binata na ngayong si Santino bago ang screening ng pelikula nilang Hamog, isa sa kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mag-uumpisa sa Agosto 16 hanggang Agosto 22. Ani Zaijian, “Para sa akin hindi naman po. Parang normal lang sa akin. …

Read More »

FPJ’s Ang Probinsyano, 100 linggo nang numero uno sa telebisyon

TUWANG-TUWA ang lahat ng bumubuo ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hanggang ngayoý hindi pa rin sila binibitiwan ng televiewers. Tulad kagabi, nakakuha ito ng 40.6 percent ratings nationwide samantalang 42.8 percent naman sa rural base sa Kantar Media. Nasa ika-100 na lingo na ang FPJAP pero patuloy na nangunguna ang action-seryeng ito na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman isang …

Read More »

Tuition free sa SUCs pangakong hindi napako ni Digong

Bulabugin ni Jerry Yap

KAHIT ano pa ang mga pahatid-mensahe ni Budget Secretary Benjamin ‘joke no’ Diokno na walang budget para sa libreng matrikula ng mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), hindi nagdalawang-isip si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na lagdaan ang panukalang batas. Mismong si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang nagpahayag niyan sa publiko kahapon. ‘Yan ay sa kabila nang …

Read More »

Pakikinabangan ng lahat ang malinis na Ilog Pasig

NAGKAGULO ang mga taga-BASECO Compound sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon nang dumalaw sa kanilang komunidad si Senador Manny Pacquiao kasama sina Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, Laguna Lake Development Authority (LLDA) Project Development Management and Evaluation Diviison Chief Engr. Jun Paul Mistica na kumatawan kay LLDA General Manager Jaime Medina at PRRC …

Read More »

Damuhong Arabo timbog sa CIDG

MULING nakapuntos laban sa mga gunggong na lumalabag sa batas ang masisipag na detective ng Manila-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Chief Insp. Wilfredo Sy nang kanilang hulihin ang isang dayuhan sa pag-iingat ng mga armas sa Maynila. Kinilala ni Sy ang damuhong arestado na si Abu Khaleed alyas Jamil, isang Arabo na naninirahan sa ika-11 palapag …

Read More »

SSS naglaan ng P74-M calamity loan para sa Marawi at Ormoc

SSS

Naglaan ang Social Security System (SSS) ng halos P74 na milyon para ipautang sa mga miyembro nitong naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City at ng lindol sa Ormoc, Leyte. Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, maaari nang mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP) simula ngayong araw na ito, Agosto 2, 2017. …

Read More »

MMDA enforcers magsusuot na ng beret

MMDA

WALA na ang bull cap at nakasuot na ng black beret ang mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang mabago ang kanilang imahe. Ayon sa MMDA, matagal nang plano ang pagpapalit sa uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear. Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong uniporme ng MMDA …

Read More »

13K pulis idi-deploy para sa 1,700 ASEAN delegates

NAKAHANDA na ang Metro Manila police force sa pagkakaloob ng seguridad sa mahigit isang libong delegado na dadalo sa 50th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga aktibidad sa linggong ito. Sinabi ni National Capital Region Police Office head, Director Oscar Albayalde, “We are very much ready. We have deployed our personnel in all 21 hotels that …

Read More »

Consultants ng NDF ibalik sa selda — Solicitor General; 2 bomb maker ng NPA timbog sa Bukidnon

Malacañan CPP NPA NDF

HINILING ni Solicitor General Jose Calida sa ilang korte na iutos ang muling pagbabalik sa piitan sa mga consultant ng rebeldeng komunista, makaraan ihinto ang pormal na usapang pangkapayapaan, ayon sa ulat ng kanyang tanggapan nitong Biyernes. Ang mga consultant ng National Democratic Front (NDF) na pinagkalooban ng condtional release “should be recommitted and their respective bonds should likewise be …

Read More »

1,122 PNP personnel iniimbestigahan sa illegal activities

pnp police

MAY kabuuang 1,122 police personnel ang iniimbestigahan ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) bunsod ng pagkakasangkot sa illegal activities, Sinabi ni Senior Supt. Chiquito Malayo, PNP-CITF commander, may inaresto na silang 41 PNP personnel at 15 civilians, karamihan ay dahil sa pangongotong, sa nakaraang anim buwan simula nang buhayin ang task force nitong Enero. Ang PNP-CITF ay nakatanggap …

Read More »

Lookout bulletin vs Ricardo Parojinog inilabas ng DoJ

NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) kahapon ng lookout bulletin laban kay Ricardo “Arthur” Parojinog, kapatid ng napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog. Ang lookout order ay inisyu kaugnay sa madugong serye ng pagsalakay sa mga bahay ng mga Parojinog nitong Linggo. Sinabi ng DoJ, may natagpuang mga baril at bala ang mga pulis sa bahay ni …

Read More »

Panukala ni Sen. Pacquiao: Kulong, P1-M multa vs epal politicians

NAIS ni Senador Manny Pacquiao na patawan ang mga “epal” na politiko na ginagamit ang mga proyekto ng gobyerno upang i-promote ang kanilang sarili, ng parusang pagkabilanggo at multang hanggang P1 milyon. Sa Senate Bill No. 1535 o Anti-Epal Law na inihain noong 1 Agosto, nais ni Pacquiao na ipagbawal sa incumbent government officials na angkinin ang kredito sa public …

Read More »