KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan. Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na …
Read More »2 PNP official, 2 pulis sinibak sa P60-M SAF allowance scam
SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers. Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern …
Read More »VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust
NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pangkat sa Holocaust …
Read More »BI wow mali kay Sister Fox
INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang …
Read More »Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung …
Read More »6 sakada patay 16 sugatan sa talim ng kidlat (Sa Sipalay City)
SIPALAY CITY, Negros Occidental – Patay ang anim na sakada, habang 16 ang sugatan, makaraan tamaan ng matalim na kidlat sa Brgy. Manlocahoc, sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Sinabi ni C/Insp. Nasser Canja, hepe ng Sipalay City Police, sumilong ang mga sakadang nananagpas ng tubo sa ilalim ng truck dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nasa …
Read More »Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)
DAVAO CITY—Nagbigti sa loob ng Sasa Police Station ang isang lalaki nitong Miyerkoles, isang buwan nang nakakulong matapos niyang sunugin ang sariling anak. Ayon sa ulat, natagpuang nakabitin sa kisame, gamit ang benda, ang katawan ng bilanggong si alias Roger, 4:30 ng umaga. Salaysay ng ibang bilanggo, ilang araw nang tuliro si Roger nang malaman niyang ililipat na siya sa …
Read More »Pa-bukol epek ni Jake, ‘di matanggap ng fans
MAY mga nakakuwentuhan kaming avid followers ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon. Tanong niya, bakit umabot sa sukdulan ang mga imposibleng bagay na gustong mangyari ng magaling na singer sa kanyang katawan? Ang hinahanap-hanap nila ay ‘yung dating Charice na isang promising singer sa ABS-CBN. Pero bakit ngayon iniiba niya ang kanyang porma? Hindi nila ma-take o matangggap …
Read More »Ruru, kailangang ng magagandang project
SANA ay mabigyan si Ruru Madrid ng magagandang project sa Kapuso Network at hindi basta kung ano na lang. Malaki ang potential ng actor na maging tagapagmana ni Alden Richards. Hindi type ng fans ang kasalukuyan nitong serye dahil aso raw ang bida. Type din nilang kapareha ng actor si Janine Gutierrez kaya umaasa silang muling ibabalik ang tambalan ng …
Read More »Pagkakatigbak kay Liza sa Bagani, inalmahan
HINDI komporme ang mga tagahanga ni Liza Soberano na tigbakin siya sa Bagani gayung siya ang sinimulang ipakilalang bida. Kung tatanggalin si Liza, dapat tuldukan na ang istorya dahil para ano pa at itutuloy ito? Kahit wala na ang orginal na bida kahit magdagdag pa ng malalaking artista, para sa sumusubaybay sa teleseryeng ito, si Liza pa rin ang nasa …
Read More »Sunshine, ‘di nag-jump ship sa GMA
HINDI naman masasabing “nag-jump ship” si Sunshine Cruz kagaya ni Ryza Cenon. Iyong kaso ni Sunshine, nakatanggap lamang siya ng isang magandang offer mula sa GMA, at dahil wala naman siyang contract sa ABS-CBN, kundi iyong mga per-show contract lamang, walang masasabing anumang legal obligation na tinalikuran niya sa network. Gayunman, kinikilala ni Sunshine na mayroon siyang moral obligation sa …
Read More »Talent ni Sofia sa musika, ‘di na dapat pagtakhan
NANG i-launch ang singing career ng videojack na si Sofia Romualdez, ang paulit-ulit nilang tanong ay kung saan kaya nagsimula ang talent ng bata sa musika. Hindi lang siya ang kumakanta, siya rin ang lumikha ng awiting Thinking of U, na siya niyang ikalawang single. Lampasan na natin ang katotohanang ang ermat niyang si Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ay isa ring …
Read More »Kuhol, inireklamo sa pagnanakaw ng halik
ABUSE of minor ang naging reklamo laban sa komedyanteng si Kuhol matapos niyang halikan sa lips ang isang 10 taong gulang na batang babae. Ikinulong siya sa station 5 ng QCPD. Ang tanong, kung si Daniel Padilla kaya, o si James Reid ang humalik nang lips to lips sa batang babaeng iyon, magrereklamo kaya siya? Kaso hindi nga si Daniel. …
Read More »Piolo, choice na maging single muna
WALA pa ring karelasyon ngayon si Piolo Pascual. Ayon sa actor, choice niyang maging single muna. At saka na lang siya ulit papasok sa isang relasyon. Hindi sa wala siyang time, marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay. “In all honesty, hindi ko siya hinahanap. Ayoko siya hanapin, ayoko na lang muna,” sabi pa ni Piolo. Siguro, isa rin sa dahilan …
Read More »Lani, nangungulila pa rin kay Bong
KAHIT maraming dumating na mga kaibigan si Bacoor Mayor Lani Mercado mula sa politika at showbiz, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Biyernes, April 13, hindi pa rin lubos ang naging kaligayahan niya. Hindi niya kasi nakasama ang mister niyang si Sen.Bong Revilla. Naka-detain pa rin si Bong sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa kasong plunder. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















