Friday , December 19 2025

hataw tabloid

300 Zumba Dancers, sumuog sa Commonwealth

KAPURI-PURI ang ginawang project ng Goldshine Pharmaceuticals Inc., na isang 100% Filipino-owned company at makers ng Jimm’s coffee sa pagsasagawa nila ng Kapelusugan Day event para i-promote ang health and wellness. Ang event na may tagline na Drink Healthy, Stay Healthy ay nagbigay ng free medical checkups, free Zumba sessions, free massage, at free Jimm’s coffee mix with malunggay pandesal …

Read More »

Cash prizes, mapapanalunan sa mga magwawagi ng logo design at theme song writing competition sa MMFF 2016

INAANYAYAHAN ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang lahat ng mga creative at innovative na mga Pinoy para sumali sa MMFF Logo Design and Theme Song Making competitions para magkaroon sila ng pagkakataong manalo ng hanggang Php50,000.00, isangSony tablet, at all-access pass sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF. Para sa MMFF Logo Design competition, maaaring magsumite ang …

Read More »

Abogadang suspendido swindler (Dating pañero nagbabala sa publiko)

MAG-INGAT sa kanyang dating partner sa bupete. Ito ang babala ng aktibistang abogado na si Atty. Argee Guevarra, dating law partner ng sinuspindeng tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Trixie Cruz-Angeles, matapos patawan ng tatlong-taon suspensiyon ng Korte Suprema nang mahatulang guilty sa tahasang paglabag sa Code of Professional Responsibility. Tumanggap umano ng P350,000 legal fees …

Read More »

Duterte admin golden year ng infra projects (P7-T ilalaan)

DBM budget money

MAGLALAAN nang mahigit P7 trilyon ang gobyerno para sa infrastructure projects sa buong anim taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno, maituturing na “golden age” para sa infrastructure projects ang administrasyon ni Duterte. Sa susunod na taon ay maglalaan ang gobyerno ng P860.7 bilyon para sa infrastructure projects lamang. Ayon kay Diokno, down payment …

Read More »

PNP ‘di umaasa sa CPP support vs drugs — Bato

CPP PNP NPA

BINALEWALA ni Philippine National Police (PNP) chief, Ronald dela Rosa ang pagbawi ng suporta ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga. Sinabi ni Gen. dela Rosa, bahala na ang CPP kung ano ang gusto nilang gawin at tuloy lamang ang trabaho ng PNP. Ayon kay dela Rosa, una sa …

Read More »

Arraignment kina Gatchalian, Pichay et al iniliban

INILIBAN ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay Jr. at 24 iba pa. Ayon sa anti-graft court, may nakabinbin pang mosyon na kailangan resolbahin bago umusad ang paglilitis. Itinakda ang panibagong schedule ng arraignment sa Oktubre 5, 2016. Ang kasong katiwalian na kinakaharap nina Gatchalian at Pichay ay …

Read More »

Tunnel sa Quezon gumuho 1 patay, 5 nawawala

workers accident

PATAY ang isang isang manggagawa habang pinaghahanap ang lima pa niyang kasamahan makaraan gumuho ang tunnel ng itinatayong dam sa General Nakar, Quezon. Kinompirma nitong Lunes ng Municapal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC), kasagsagan ng pag-ulan nitong Sabado nang masira ang cofferdam o dam tunnel sa Sitio Sumat, Brgy. Umiray. Natabunan ng guho ang mga manggagawang sina Roland …

Read More »

Gen. Bato inalok ng protection money (Mula sa gambling lords)

ronald bato dela rosa pnp

CAGAYAN DE ORO CITY – Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng mga pulis na itigil ang pagtanggap ng bribe money mula sa illegal gambling lords o operators sa bansa. Ginawa ng PNP chief ang pahayag makaraan ibunyag na mismong siya ay tinangkang suhulan ng milyon-milyong halaga ng pera ng ilang …

Read More »

Negosyante sa drug watchlist patay sa ambush

dead gun police

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang negosyante at ika-10 sa drug watchlist ng pulisya makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki kamakalawa. Ang biktima ay si Kokrit Verzola, 37-anyos, aresidente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela. Ayon kay Chief Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Reina Mercedes Police Station, nakikipag-inoman ang biktima sa kanilang lugar nang dumating ang dalawang suspek na …

Read More »

P200-M passport scam buking (Hepe ng Muslim office ipinasisibak kay Digong)

hajj mecca muslim NCMF

IPINASISIBAK kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng Muslim Affairs sa ilalim ng Office of the President dahil sa sinasabing P200-milyong anomalya kaugnay ng pagpoproseso ng Philippine hajj passports na iniisyu sa non-Filipino Muslims. Sa liham na kanilang ibinigay kay Duterte, sinabi ng concerned employees of the National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang maanomalyang  pilgrimage passport processing ay talamak …

Read More »

8 patay, 16 sugatan sa drug raid sa Cotabato

shabu drugs dead

MIDSAYAP, North Cotabato – Naglunsad ng air to ground assault ang puwersa ng pamahalaan laban sa mga armadong grupo na sangkot sa illegal drugs sa probinsya ng Cotabato dakong 5:00 am kahapon na nagresulta sa pagkamatay ng walo katao at 16 ang sugatan. Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Darwin Espaliardo ng Naval Forces, CPL. Jose Miraveles, at PFC …

Read More »

300 pamilya nasunugan sa Alabang

UMABOT sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Alabang, Muntinlupa nitong  Sabado ng hapon. Sinasabing sumiklab ang apoy nang sadyain ng isang Michael Cabalquinto na silaban ang kanyang bahay sa Purok 13, Sitio Pag-asa. “Pagkakaalam ko may problema sa asawa (si Cabalquinto). Tapos addict pa,” anang isang residente. Umabot sa Task Force Charlie …

Read More »

5 patay, 70K katao apektado ng habagat

INIULAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), limang indibidwal ang namatay sa kasagsagan nang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila. Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, patuloy  nilang mino-monitor ang lagay panahon. Tiniyak din ni Jalad na sapat ang food packs sa evacuation centers. Batay sa datos ng NDRRMC, nasa 15,665 pamilya o nasa 70,665 …

Read More »

Malakas na ulan Limang araw pa

MARARANASAN pa rin hanggang sa susunod na tatlo at limang araw ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas. Sinabi ngayon ni Pagasa forecaster Aldzar Aurelio, ang habagat pa rin na hinahatak ng low pressure area (LPA) ang dahilan ng pabugso-bugsong ulan sa mga nabanggit na lugar. Huling natukoy ang LPA sa boundary line ng teritoryo ng …

Read More »

Bars, nightclubs sa Caloocan sorpresang ininspeksiyon

PINANGUNAHAN ni Caloocan Mayor Oca Malapitan ang biglaang inspeksiyon sa bars at nightclubs sa siyudad upang masigurong ang mga may-ari ng establisimiyento ay sumusunod sa nakatakdang standard building at labor codes. Tiningnan din ng kasamang grupo ni Mayor Malapitan kung may health clearances ang mga nagtratrabaho sa mga lugar ng panggabing-aliwan. At upang makatiyak na ligtas sa “sexually transmitted diseases” …

Read More »

P4.5-M cash, shabu, gadgets nakompiska sa Cebu jail raid

CEBU CITY – Umabot sa P4.5 milyon cash at 88 grams illegal drugs ang nakompiska sa isinagawang greyhound operation ng Police Regional Office (PRO-7) kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa loob ng Bagong Buhay Rehabilitation Center (BBRC) o Cebu City Jail kahapon ng madaling araw. Tumambad ang iba’t ibang klase ng gadgets, cellphones, pocket Wifi, flatscreen TV, mga …

Read More »

Territorial dispute ‘di natalakay sa talks — FVR

HONG KONG – Itinuturing ng China na “friendly” ang pag-uusap na namagitan kina dating Pangulong Fidel Ramos at senior officials ng Beijing sa Hong Kong. Sa nilagdaang statement nina Ramos, Chinese Congress foreign affairs committee chair Fu Ying na dati rin ambassador ng China sa Filipinas, at Wu Shichun na presidente ng Chinese National Institute of South China Sea studies, …

Read More »

Inosenteng namatay sa droga ilan? (Pasaring ni Digong)

NAGPASARING si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritikong wala na raw ginawa kundi magbilang ng mga napapatay sa maigting na kampanya laban sa illegal na droga. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi naman binibilang kung ilan na ba ang mga inosenteng namatay dahil sa mga durugista. Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi siya nagdalawang-isip ipapatay ang mga sangkot sa illegal na …

Read More »

Mandatory evacuation sa Marikina

IPINATUPAD ng Marikina City government kahapon ang mandatory evacuation sa lungsod. Sinabi ni Marikina City mayor Marcelino Teodoro, umabot sa alarm level 3 ang water level sa Marikina Ri-ver (18 meters above sea level). Ayon kay Mayor Teo-doro, lahat ng mamamayan sa lungsod ay pinapayuhang lumikas sa kanilang mga bahay at pumunta sa designa-ted evacuation centers. Umiikot ang rescue teams …

Read More »

Bus driver patay 7 sugatan (Nahulog sa bangin)

NAGA CITY – Patay ang isang driver habang sugatan ang pitong pasahero kasama ang isang-taon gulang na sanggol nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus sa ba-yan ng Libmanan, Camarines Sur. Nabatid na habang bi-nabaybay ng Silver Star Bus na minamaneho ni Rogelio Joven, Jr., ang kahabaan ng Maharkila Highway sa Barangay Tinaquihan sa nasabing bayan, biglang lumi-yab ang …

Read More »

2 biyahe ng eroplano kanselado, 4 na-divert sa Clark (Sa masamang panahon)

DALAWANG biyahe na ng eroplano ang nakansela bunsod ng masamang panahon na nararanasan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas. Nakansela ang biyahe ng Cebu Pacific mula Tuguegarao patungong Manila at Manila-Dipolog na flight. Habang na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga ang apat na flights dahil sa walang humpay na pag-ulan sa Metro Manila. Dalawa …

Read More »

Celebrities sa illegal drugs tukoy na ng PNP

KINOMPIRMA ng pambansang pulisya, may hawak na silang listahan ng celebrities na tinaguriang drug personalities, at target ngayon nang pinalakas na kampanya laban sa illegal na droga. Una rito, sinabi ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, kanila nang susunod na puntirya ang high-end bars na pinupuntahan ng high-end customers na gumagamit ng party drugs gaya ng ecstacy, green …

Read More »

DPWH 24/7 para mas maraming matapos — Villar

PAABUTIN nang hanggang 24-oras ang pagtatrabaho ng Department of Public Works Highways (DPWH) sa mga pangunahing proyekto sa malalaking bayan at lungsod sa buong bansa. Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, ito ay para mapabilis at dumami ang magagawang mga proyekto sa ilalim ng Duterte admininstration. Ilang mga proyekto na rin sa Metro Manila ang nagpatupad ng nasabing hakbang para …

Read More »

Utos ni Digong: ISIS indoctrinators arestohin, ipatapon

INIUTOS ni Panglong Rodrigo Duterte sa militar na iberipika ang mga bali-balitang pumasok na sa Mindanao ang mga “indotrinators” ng ISIS upang manghikayat ng mga Filipino na sumama sa teroristang grupo. Iniutos din niyang agad arestuhin ang sino mang mga dayuhang mapapatunayang nagpapanggap na mga misyonaryo ngunit kampon pala ng ISIS. “I have been informed that a lot of Caucasian-looking …

Read More »

ASG pupulbusin

ZAMBOANGA CITY – Nakahanda na ang Armed Fores of the Philipines (AFP) sa Western Mindanao sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin at ubusin ang teroristang Abu Sayyaf group (ASG) sa Mindanao. Inihayag ni Major Richard Enciso, tagapagsalita ng 1st Infantry Division (ID) ng Philippine Army, isinagawa na nila ang command conference at pinag-usapan ang kanilang mga plano laban …

Read More »