Monday , December 23 2024

Itaga n’yo pa sa bato, dangal at karapatan ibabalik ni Mayor Lim!

LAHAT nang inagaw na karapatan ng Manileño para sa mga libreng serbisyo ay ibabalik ni Mayor Alfredo Lim.

Lahat ng prehuwisyong ginawa ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa mga Manileño ay kanyang iwawasto.

Bukod sa mga libreng serbisyo, kanselado lahat ng ilegal na kontratang pinasok ni Erap na nagpahirap sa mga Manileño, tulad ng mga pampublikong palengke na ibabalik niya ang pamamalakad sa lokal na pamahalaan.

Pababalikin ang mga dating nagtitinda at ipatutupad ang dating singil at ang bayad mula sa koleksiyon ay ipapasok lahat sa kaban ng Maynila.

Ang kontrata ng Victory Mall sa Lacson Underpass ay kakanselahin upang muling mapakinabangan ng publiko at mamamayan na madaanan, 24-oras gaya nang dati.

Matatamasang muli ang libreng papapagamot sa anim na public hospitals.

Itutuloy ni Mayor Lim ang naudlot niyang programa na low-cost housing sa lungsod na condominium type para sa mga maralitang taga-lungsod.

Ang dating presyo nang ibinabayad na buwis bago siya bumaba noong 2013 ay ibabalik at hindi na muling itataas.

Samakatuwid, ang ginhawang dapat ay maranasan ng taga-Maynila ay ipalalasap muli ni Mayor Lim.

Marami na siyang pruweba at napatunayan, hindi puro pangako lang tulad ng dalawa niyang kalaban.

Itaga n’yo man sa bato!

Bakit ayaw lumayas ni Erap sa Maynila?

DESPERADO na mangunyapit sa Maynila ang mandarambong kaya kaliwa’t kanang panunuhol ang ginagawa – mula sa mga barangay chairman, hanggang sa mga public school teacher.

Walang dapat matuwa sa pamumudmod ni Erap ng kuwarta sa mga opisyal ng barangay at computer tablet sa mga guro dahil galing ito sa luha, pawis at dugo ng mga taga-Maynila at hindi mula sa bulsa ng sentensiyadong mandarambong.

Alam ba ng mga barangay chairman at public school teachers na sa bawat  sentimong tinanggap nila kay Erap ay inagawan nila ng libreng serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon ang mga taga-Maynila?

Bakit?

Taliwas kasi sa ipinangangalandakan ni Erap na nabayaran na niya ang lahat nang pagkakautang ng siyudad at napasigla niya ang kalagayang pinansiyal ang pamahalaang lungsod ay BULSA lang – na naman – pala niya ang nabusog.

Mula nang maupo si Erap ay dinagdagan niya ng halos KALAHATING BILYONG PISO o P487-M ang budget ng Office of the Mayor.

Mula  sa dinatnan niyang budget ng Office of the Mayor na P117-M noong 2013, ginawa ni Erap na P202.6-M noong 2014 at noong 2015 ay ginawa niyang P604-M.

Pinalobo niya nang todo ang pondo ng kanyang opisina pero tinapyasan niya ng P228.1 milyon ang budget ng anim na ospital sa Maynila, binawasan niya ang pondo ng Unibersidad de Manila ng P49-M at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) naman ay P44-M.

Ibig sabihin, ang tinanggal niyang budget sa mga ospital, sa UDM at sa PLM na P321-M ay inilipat niya sa Office of the Mayor.

Saan napunta ang kinita ng  City Hall sa mga itinaas niyang bayarin, lalo na sa amilyar na 300%?

Samantala ang ibinayad ng kanyang administrasyon sa mga utang ay P78.5 milyon noong 2014 at, P99.5 milyon noong 2015 na ang total ay P178-M lang.

Kaya hindi dumalo sa debate sa UP-PGH si Erap dahil hindi niya kayang ipaliwanag kung saan niya dinala ang daan-daang milyong pondo ng siyudad.

Tiyak din na hindi kayang ipagtanggol ng sentensiyadong mandarambong na naglaan ang kanyang administrasyon ng P248-M para ipaayos ang mga public market sa siyudad pero ibinenta niya sa mayayamang negosyante.

Dep-Ed kasabwat ni Erap?

ISA pang dahilan nang hindi pagsipot ni Erap sa debate ay upang utuin ang mga teacher na pinayagan ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na tumanggap ng computer tablet mula sa kanya.

Gayong DepEd pa mismo ang naglabas ng pahayag noong Enero na ipinagbabawal ng kagawaran sa mga guro na tumanggap ng regalo sa mga politiko lalo na ngayong panahon ng halalan.

Nagka-amnesia siguro ang mga taga-DepEd na posibleng bunsod ng malaking kickback sa libo-libong computer tablet na binili.

Sa resibo ay P16,500 ang bawat isa, samantalang ang retail price lang nito ay P9,000.

Nakahihiya ang mga guro at DepEd officials na pumayag maging instrumento nang pagnanakaw ng sentensiyadong mandarambong sa salapi ng mamamayan.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *