Wednesday , November 27 2024

The Gods of Padre Faura must be crazy

MARAMI ang nagulat sa desisyon ng Korte Suprema na kuwalipikadong kandidato si Sen. Grace Poe sa darating na halalan. 

Isa sa mga nagtaka ay mismong si Pangulong Benigno Aquino III.

Isiniwalat niya kamakalawa na maski siya ay nagulat na tinanggap ni Poe ang posisyon bilang MTRCB chairman noong 2010 gayong dual citizen pa pala siya at hindi ipinaalam sa kanya.

Nagtungo pa aniya si Poe sa US consular office noong 2011 para isuko na ang kanyang US citizenship na hindi rin pormal na ipinaalam sa kanya at nabalitaan pa niya sa ibang tao.

Kaya nga ang panawagan ni PNoy sa Supreme Court ay linawin sa kanilang desisyon ang mga patakaran hinggil sa citizenship at residency requirements.

Malinaw kasi sa Saligang Batas na dapat ay natural-born Filipino citizen ang isang kandidato at nakatira sa Filipinas sa loob ng nakalipas na 10 taon.

Kung isinuko lang ni Poe ang kanyang pagiging US citizen noong 2011 at noong 2006 lang siya nakatira sa bansa, hindi siya kuwalipikadong presidential bet.

Pero bago pa lumaki ang sunog, inamin mismo ng abogado ni Poe na si George Garcia sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel na hindi pa nareresolba ng Korte Suprema ang mga isyu ng citizenship at residency ng senadora.

Aniya, ang pasya ng SC noong Martes ay nagkaroon ng grave of abuse of discretion ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskuwalipika kay Poe.

“There was no ruling on her citizenship and residency. We have to await the written decision to see if these issues were discussed and resolved,” sabi ni Garcia.

Ibig sabihin, hanggang wala pang inilalabas na opisyal na kopya ng desisyon ang Korte Suprema, manatili muna ang lahat nang nakanganga.

Bakit dalawa ang batas sa magkaparehong kaso magkaiba ang desisyon?

NOONG nakalipas na buwan ay ginawang pinal ng Korte Suprema ang pagkatig sa desisyon ng Comelec na diskuwalipikadong kandidato si Kauswagan, Lanao del Norte Mayor Rommel Arnado.

Ginamit pa rin kasi ni Arnado ang kanyang US passport kahit isinuko na niya ang pagiging American citizen.

“Only natural-born Filipinos who owe total and undivided allegiance to the Republic of the Philippines could run for and hold elective public office. By using his US passport, Arnado positively and voluntarily represented himself as an American, in effect, declaring before immigration authorities of both countries that he is an American citizen, with all attendant rights and privileges granted by the United States of America,” sabi sa desisyon ng Korte Suprema.

Sa ginanap na oral argument sa SC ay inamin ng kampo ni Poe na ginamit pa rin ng senadora ang kanyang US passport noong 2011 kahit itinakwil na niya ang pagiging Amerikano.

Ibig sabihin, pareho ang ginawa nina Poe at Arnado, kaya dapat ay pareho rin ang desisyon ng Korte Suprema sa kanilang mga kaso.

Isa pang malaking kuwestiyon sa mga naging desisyon ng SC ang pagdiskuwalipika kay dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos dahil siya’y convicted child rapist.

Katuwiran ng SC, ayon sa batas ito’y sakop ng kasong may kinalaman sa moral turpitude at may parusang kulong na isang taon pataas kaya habambuhay na ipinagbabawal na humawak ng puwesto sa gobyerno.

Pero binaligtad ng SC ang kanilang desisyon nang payagan si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na kumandidatong alkalde sa Maynila.

Si Erap ay hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong at habambuhay na pagkabilanggo.

Ang iginawad na pardon sa kanya ni GMA ay hindi nag-absuwelto sa kanyang kasalanan bagkus ay habambuhay na pagkabilanggo lang ang hindi na niya pagsisilbihan.

Gaya ng child rape na kaso ni jalosjos, ang kasong pandarambong ay may kinalaman din sa moral turpitude pero si Erap ay pinayagan ang kandidatura.

Walang umalma sa pagbaligtad sa rule of  law ng SC sa kaso ni Erap kaya ang Amerikanong kolumnistang si Peter Wallace ng pahayagang Phil. Daily Inquirer ay kinilabutan sa hindi pagkibo ng mga mamamayan.

“God’s of Padre Faura” kung tagurian ang Korte Suprema, may hawig sa titulo ng isang lumang pelikula na “God’s Must Be Crazy.”

Sa kuwestiyonableng desisyon ng SC sa kaso ni Erap ay nakabibingi ang katahimikan ng mga mahilig mag-rally, ‘yun pala ay nasa bulsa sila ng sentensiyadong mandarambong na pinatalsik nila noong EDSA People Power 2.

Ngayon ay si Poe naman daw ang kanilang suportado kahit malaki ang kuwestiyon sa kanyang pagiging tunay na Filipino.

Hay naku, iba talaga ang nagagawa kapag BAYAD MUNA ang umiiral imbes ang bansa muna.

Huwag na tayong magtaka kung bakit hanggang ngayon ay nakalugmok sa kahirapan ang mayorya sa mga mamamayan.

Lima singko kasi ang mga MAKABAYAD sa ating bansa.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *