Monday , December 23 2024

Pari sa Davao City kakampi ni Duterte

00 Kalampag percyKINAMPIHAN ni Monsignor Paul Cuison, vicar general ng Archdiocese of Davao, si Mayor Rodrigo Duterte sa gitna nang pagbatikos ng mga Katoliko sa pagmumura ng alkalde nang maipit sa trapiko habang nasa bansa si Pope Francis.

“You got to know Digong more, for you to understand the meaning of what he said. I noticed that the curse was directed to the heavy traffic and the sacrifice of the people,” ayon kay Cuison.

Hindi aniya dapat unawain nang literal ang sinabi ni Duterte.

At kung tayo ang tatanungin, mas pipiliin ko na ang nagmumura kaysa naman nagbubulsa.

Aanhin natin ang matimtimang opisyal sa gobyerno kung ang bisyo nama’y gahasain ang kaban ng bayan.

Publiko, niloloko ni Mang ‘Six-Tong’

NAKATATAWA ang tila pagka-desperado ni dating Comelec chairman Sixto Brillantes na sumipsip kay presidential bet Sen. Grace Poe kaya kahit lihis sa katotohanan ay ipipilit niya.

Ayaw kilalanin ni Brillantes ang kapangyarihan ng Comelec na nagdiskuwalipika kay Poe samantala ang poll body lang ang may karapatang gawin ito.

Ipinipilit ni Brillantes, ang Presidential Electoral Tribunal (PET) lang ang puwedeng magpasya sa kuwalipikasyon ng Pangulo.

Susme, si Poe ay hindi pa nananalong Presidente, kundi kandidato pa lang kaya ang Comelec ang may hurisdiksyon sa pagdetermina ng kanyang kuwalipikasyon bilang presidential bet.

Uubra lang na umeksena ang PET kapag nanalo na si Poe at nakapanumpa na bilang pangulo ng bansa.

Iyan ang katotohanan na pinipilipit ni Brillantes baluktutin para paboran lang si Poe.

Kaya huwag nating paniwalaan ang isang bayarang bulaang propeta na walang ginawang tama sa Comelec.

Human trafficking ni ‘Tsap Tsing’ sa NAIA

NGAYON na si Associate Commissioner Gilbert Repizo na ang officer-in-charge sa Bureau of Immigration (BI), marami ang nag-aabang sa kanyang paglilinis sa mga basurang pinayagang maglipana ni Commissioner Siegfried Mison.

Dapat unahin ni Repizo ang pagpapaimbes-tiga sa talamak na human trafficking activities ng isang  Tsap Tsing na matagal nang alaga ng kanyang pinalitan.

Ginagamit daw ni Tsap Tsing ang isang opisina sa BI para sa operasyon at imbakan ng nagsisilbing propaganda material ni Mison.

Pero hindi libre ang pagpapapogi kay Mison dahil ang kapalit nito’y ang human smuggling operation ni Tsap Tsing sa NAIA.

Bulong ng impormante sa atin, umaabot sa anim hanggang walo ang Chinese na ipinupuslit ni Tsap Tsing mula sa mainland China kada araw.

Hindi nakapagtataka ang balitang mistulang puyat na unggoy ngayon si Tsap Tsing sa kaiisip  kung paano magkakaroon ng koneksiyon kina Repizo at Justice Secretary Alfredo Caguioa.

Balita pa natin ay hindi mahilig sa publisidad o gimik sina Caguioa at Repizo kaya hindi lulusot ang pakulong peryo-dikit ni Tsap Tsing.

Tiyak na si “Tom Jones” ang magiging favorite singer ngayon ni Tsap Tsing.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *